Dahil sa mga mintis na atake ng mga kalaban at mga kawal ay hindi nila naiiwasang matamaan ang palasyo at mga iba pang mga bahay. Halos magiba ang mga haligi ng mga bahay dahil sa lakas ng tama ng mga ito.
"Nero! Ano tutunganga nalang tayo dito?"natatarantang tanong ni Joji habang pinagmamasdan ang mga nangyayari dito sa labas ng palasyo.
Agad akong tumayo at inayos ang aking sarili. "Tara iligtas natin ang buong mundo"wika ko sabay lundag ng mataas.
Chapter 25
Facebook: Kaminari amanashi
Habang pabagsak ako sa lupa dahil sa mataas na paglundag ay agad akong nakapag ipon ng lakas saaking katawan. Pumalibot ang puting liwanag saaking katawan at kasabay nito ang pag labas ng mga elektrisidad saaking mga kamay.
Binalot ako ng puting liwanag at humubog ito ng pabilog na hugis. Maya-maya pa ay bigla akong bumagsak sa kinalalagyan ng mga kalaban dahilan para magdulot ito ng malakas na pagyanig ng lupa at tumilapon ang mga kalaban sa kalayuan.
Mausok ang paligid dahil sa malakas na
pagbagsak ko sa lupa. Nakatukod ang aking mga kamay sa lupa habang ako'y nakaupo at nakayuko. Tumingala ako at napansin kong nagsisiubuan ang mga kasama ko at doon unting-unti nawala ang makapal na usok sa paligid."Hindi na masama sa isang kagaya kong
kidlat at kuryente ang abilidad. Kunting ensayo pa upang mahubog mo ang iyong abilidad"wika ng Hari at pinatamaan niya ng kuryente ang isang kalabang umaatake sakaniya.Ngumiti lang ako saka mabilis na tumayo upang lipulin ang mga kalabang nais umatake saaming kinalalagiyan at para narin hindi makapasok sa loob ng palasyo. "Ang mga kawal ay tumulong saamin at ang iba ay tumulong sa pagprotekta sa mga taong papunta sa evacuation center"utos ni Joji sa mga kawal dahilan para mapatingin kami sakaniya.
"Lakas maka utos"wika ng Hari habang abala ito sa pakikipag bakbakan sa mga dark ninja.
Agad akong gumawad ng malakas na sipa sa kalaban ngunit nahawakan niya agad ang aking paa kaya naman pinagapang ko saaking paa ang kuryente na aking abilidad dahilan para sumabog ito at sumadsad sa lupa.
Samantala si Joji naman ay abala sa pagbaril ng mga papalapit sakaniya na kalaban. Talagang masasabi kong tirador si Joji sa angking bilis nitong magpatama sa ulo ng kalaban.
Baang!
"Head Shot!"sigaw nito sabay ihip sakaniyang baril.
Halos lahat ng kalaban na nakapasok dito sa loob ng palasyo ay nakabulagta ngayon saaming harapan. Napapalakpak nalang ang ibang kawal sa ginawa ni Joji habang siya naman ay kumakaway at nag fla-flying kiss.
Habang sa ganoong posisyon ay nabigla nalamang kami dahil sa biglang pag-yanig ng lupa at nagtamo ito ng malalawak na bakbak. Halos lahat ng kawal at pati kami ay napa salampak sa lupa dahil sa lakas ng pag-yanig ng lupa.
"Ang mga protektor! Ipadala sa evacuation area para magtatag ng malakas na kalasag!"sigaw ng Hari habang ito'y nagpapagulong gulong sa lupa.
"Magsusunod kamahalan!"sagot naman ng isang kawal at bigla itong binalot ng usok na puti at naglaho nalamang na parang bula.
Ilang minuto ang lumipas ay biglang huminto ang pagyanig, ngunit laking pagtataka namin ang paglitaw ng kulay violet na usok saaming harapan naming lahat at humuhubog ito ng malaking hugis bilog.
Palaki ito ng palaki at tila isang lobo na lumalawak ang sakop."Ayy sis ano yan? Super fusion ng werpa nila? Nakaka beating heart namenz"ang nakatungangang tanong ni Joji saakin habang kapwa kaming nakatanaw sa namumuong hugis bilog na usok.