CHAPTER 23

405 20 1
                                    

Sorry po sa matagal na update busy Lang Kasi ako nitong nagdaang buwan, kahit na walang nagbabasa nitong libro ko ay itutuloy ko padin baka sakaling may bumasa ito, salamat sa pag unawa.

Pagdating namin dito sa Earth Kingdom ay bumungad saamin ang karumaldumal na nangyari sakanilang pananim. Karamihan dito sa mga pananim ay nalanta at nabulok dulot ng pagkasira ng lupa at sa kawalan nito ng kalusugan na nagbibigay lakas sa mga pananim.

Patuloy ang pagmamaneho ni Master San hanggang sa nakadating kami sa harap ng napakalaking tarangkahan. Yari ito sa ginto at nakabantay din ang mga kawal na nagmamasid sa paligid. Hininto ni Master San ang aming sasakiyan saka ito bumaba at lumapit ito sa mga nagbabantay na kawal.

Naiwan kami ni Joji dito sa sasakiyan habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na nangyari sa mga pananim.

"Grabe pala ang nangyari dito, hindi ko aakalaing malaki pala ang magiging epekto nito sa mundo kung nawala ang mga balanseng bato sakanilang kinalalagiyan."Sabi ni Joji habang nakatanaw sa paligid.

"Kung magtutulungan tayong lima ay kaya nating isalba ang mundo. Nandito tayo sa hinaharap kung saan maunlad at mas lumakas ang abilidad ng mga tao dahil sa siyensiya. Kung dati sa mundong ginagalawan ko ay hindi masiyadong pinagtutuunan ng pansin ang patungkol sa mga extraterrestrial, ngayon ay mas umusbong ito at balak pang nakawin ang mga balanseng bato."tugon ko naman

Pumakawala ng buntong hininga si Joji at muling nagwika "kung tuluyang manakaw ang mga bato, maaaring masira ang balanse ng mundo at magunaw ito. Nakakatakot pero kailangan nating kumilos at mag ensayo Lalo na't iba at mas malakas ang ating kinakaharap. Masasabi nating may kaniya-kaniya tayong extraordinaryong kakayahan ngunit hindi ito sapat para makipag sagupa sa mga dayuhan."

Habang sa ganoong pag-uusap namin ni Joji ay biglang dumating si Master San at agad itong pinaandar ang sasakiyan. "Pinapapasok na ba tayo?"tanong ko

"Oo master pinayagan nila tayong papasukin"tugon naman nito habang minamaneho ang sasakiyan papasok ng tarangkahan ng palasyo.

Pagpasok namin ay bumungad ang malawak at matayog na palasyo. May pagkakahawig ito sa mga Chinese temple dahil sa kurba ng kanilang bubong. Ang mga haligi naman ng palasyo ay tila greek mythology ang datingan dahil sa laki nito at disenyo. Mapapansin din ang mga tanglaw na naka dikit sa mga haligi papasok sa loob ng naturang palasyo.

Habang sa ganoong paglalakad namin papasok sa loob ng palasyo ay agad sumalubong saamin ang grupo ng kababaihang mandirigma. Nakasuot sila ng mahabang damit na kulay berde at breastplate na kulay pilak. Lahat sila ay nakahawak ng malalaking pamaypay at marahil ito ang kanilang sandata.

Sumalubong saamin ang kanilang pinuno at pinahinto sa paglalakad. "Kap-kapan silang tatlo baka sila ang ginamit na utusan ni Vixx upang nakawin saatin ang bato"utos nito at agad nagsilapitan ang kaniyang kasama upang kap-kapan kami. Itinaas namin ang aming kamay at hinayaang kapkapan kami.

"Malinis at pulido lady Nari, mukang sila nga ang mga epic 5"narinig Kong Sabi ng babaeng kumakapkap Kay Master San.

"Oo nga po, Tama po si Kiri Wala silang dalang armas maliban lang sa isang ito, may nakuha akong baril sa magkabilang bulsa nito."Sabi naman ng isa at agad binigay ang baril ni Joji sa pinuno nilang nag ngangalang Nari.

Agad namang nag ingay si Joji dahil kinuha ang kaniyang sandata, marahil hindi pa nila gaanong kilala ang mga epic 5 kaya sila nagdududa saamin. "Excuse me saakin po ang baril na iyan, for your information energy bullet ang bala niyan, kahit na ilang beses mo iyang kalabitin hindi iyan puputok dahil akin talaga iyan"mataray na wika ni Joji saka nito inagaw ang kaniyang baril.

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon