Pagdating ko sa loob ay agad kong nakita ang isang Time machine Kaya agad ko itong linapitan. "Bahala na kung anong mangyayari saakin basta matalo ko Lang sila"bulong ko saaking sarili habang hingal na hingal.
Pinindot ko ang mga buttons at in-on ang lever dahilan para lumiwanag ito at lumutang ang mga binary codes saaking paligid. Paliwanag ito ng paliwanag at bigla nalamang akong hinigop nito.
CHAPTER 33
Biglang nawala ang liwanag saaking katawan at nakadating nanga ako saaking pinuntahan. Ang araw kung saan nagsimula ang lahat, binuksan ko ang portal papunta sa taong nabuhay si Vixx, pumasok ako sa isang dampa kung saan naririnig ko ang umiiring babae, pagdating ko sa loob ay naisilang na si Vixx.
"Babae ang anak mo! Swerte ka Kay bathala! Pagpalain ka"natutuwang wika ng komadrona.
"Bitiwan niyo iyan! Hindi ang batang iyan ang magliligtas sainyo sa hinaharap. Siya ang magiging anak ng kadiliman dahil sa kagustuhan nitong maging mas malakas."sabat ko dahilan para magtinginan silang lahat saakin agad kimuha ng itak ang lalaki saka amba saakin.
"Sino Ka! Baka ikaw ang tatapos saamin mga kasama dakpin siya"sigaw nito ngunit agad ko silang pinigilan.
"Ako si Nero, galing sa hinaharap. May digmaan sa Amin dahil sa anak niyo kinuha siya ng makapangyarihang linalang sa kalawakan at binigyan niya ito ng malakas na kapangyarihan."paliwanag ko ngunit makulit sila kaya agad akong gumawa ng kunai saaking kamay at itinarak sa batang sanggol dahilan para magsigawan ang mga Tao dito sa paligid.
Bago paman nila ako masaktan ay hinigop na ako ng Portal at pinunta sa Lugar ni Vector.
Nakita ko si Vector na naglalaro ito sakanilang bakuran Kaya agad kong hinagisan ito ng kunai at sakto ito sakaniyang ulo. Sumunod naman Kay Sprocket na pinagbubuntis ng kaniyang ina Kaya hindi na ako nag dalawang isip na patayin silang dalawa.
"Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero baka maaaring makaapekto ito sa hinaharap"bulong ko sabay pasok sa bahay nina Turbot.
Naglalaro ito kasama ang kaniyang mga kaibigan kaya agad ko itong linapitan at hinila papasok sakanilang banyo. "Bata pasensya na pero isa ka sa papatay sa mga Tao at sa mga magulang mo sa hinaharap patawarin mo ako."Sabi ko sa Bata at pinikit ko ang aking mata at sinaksak ito sakaniyang dibdib dahilan para bumulusok ang dugo saaking mga kamay. Muli akong hinigop ng Portal at linuwa ako sa hinaharap.
Nakita kong nakahawak si Vixx sakaniyang dibdib na tila nasaksak ito. Si Sprocket naman ay nakahawak sakaniyang leeg na tila nawawalan ito ng hangin. Si Vector na nakahawak sakaniyang ulo habang sumisigaw. At si Turbot na napahandusay sa lupa.
"Anong nangyayari?"tanong ni Risa saka humarap saakin.
"Huwag na kayong mag sayang ng oras tuluyan niyo na sila"utos ko Kaya agad hinila ni Risa ang pisi ng kaniyang pana at nagliwanag ito. Lumitaw ang puting bilog sa pana nito at kasabay ng mga simbolo, ilang sandali pa ay pinakawalan niya ito at tila isang kometang sumibat Kay Vector at bumaon ang palaso sakaniyang dibdib dahilan para sumabog ito at mabura.
"Aoi, joji Chiwa tapusin nanatin ito"muli kong utos at tumango sila kaya agad naming hinanda ang aming atake at saka namin ito sabay sabay na pinakawalan.
Malakas na sumabog ang katawan ni Sprocket at turbot habang si Vixx ay naiwang naka handusay sa lupa at pilit na tumatayo.