Kasalukuyang nakatitig kami sa Harap ng Orasan dito sa Sala nina Aoi batid naming hihigupin muli kami papunta sa Time Dimension. Hindi kami basta aatras nalang dahil may misyon pa kaming dapat tapusin ni Aoi.
Ilang Minuto din kami sa Ganoong posisyon at talaga namang nakaka ngawit kaya agad akong Tumayo at linapitan ang Orasan
"Bakit hindi tayo hinihigop pabalik doon?"nagtataka kong tanong
"Baka may ritual! Baka may Magic word na sasabihin"sabi naman ni Aoi sabay punta sa harap ng Orasan.
"OPEEEEN SESAME!"sigaw nito ngunit walang nangyari "baka kailangan ng Moves lagyan natin ng Step"
Wala akong nagawa kundi sumang-ayon sa Plano ni Aoi agad kaming Pumwesto at sumayaw na parang may iaalay na Kambing, taas baba ang aming kamay habang umiindak indak. "Open sesame sesame open Opeeeeen Sesameeeee"sigaw namin ngunit tila nag muka kaming tanga doon.
"Teka isapa dapat Gandahan natin yung boses natin"muling paulit ni Aoi ngunit hindi na ako pumayag pa dahil wala din lang itong dulot.
"Tama na Aoi baka naman kasi Tapos na yung misyon natin doon at dito naman tayo magiging isang Hero para magligtas ng mga tao"sabi ko sabay upo sa sofa
"Magligtas ng tao? Kailangan paba ng Super ability para makapagligtas ng tao at isapa may pulis naman. Baka kulang talaga tayo ng Steps tara ulitin natin"pag-aya ni Aoi kaya wala akong nagawa kundi tumayo.
Sasayaw na sana kami ng Biglang lumindol ng malakas kaya agad kaming lumabas ng bahay.
Agad kaming tumakbo sa hindi nababagsakan ng mga mabibigat na bagay at nagkubli. "Kailangan mabigyan ng babala ang mga tao dito dahil masiyadong malakas ang lindol na ito maaaring makapatay ito ng sangkatauhan"sigaw ni Aoi habang nagkukubli
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang Warning Alarm sa Municipal Hall para bigyan ng babala ang mga tao at magsilikas. "Kailangan nanating umalis dito Aoi kailangan nating pumunta ng Evacuation Area!"sigaw ko sabay tayo at agad lumakad
Habang naglalakad kami ni Aoi dito sa kalsada ay kitang kita ang mga Na crack na daanan at mga bahay na nag si collapse sa matinding Pagyanig ng Lupa.
Habang sa ganoong paglalakad namin ay biglang bumulusok ang lupang inaapakan namin dahilan para maihagis kami ni Aoi kung saan."Nasaktan kaba"tanong ko sabay tingin sa braso niya ngunit umiling lang ito.
"Ayos lang ako huwag mo akong alalahanin"sagot naman ni Aoi kaya agad kaming tumayo ngunit laking gulat namin noong makita namin saaming harapan ang isang nakakatakot na halimaw
"I-isang A-ancient Fossil na nabuhay"nauutal na wika ni Aoi habang na titig na titig dito.
"Aoi isa siyang Villain alam mo bang kalaban ng mga Heroes ang mga Villain?"tanong ko dito kaya tumingin saakin si Aoi sabay ayos sakaniyang nag crack na Rounded Eye glass.