-Chapter 6-
Leoris;“Its 12:00PM already, this is Project Dream third batch.” Eight of us said that in chorus while standing at the front of the D.r.e.a.m Van with energy.
Hawak ni tita Miyah ang DSLR habang vinivideo-han kami.
“Good take, so kayo na ang bahala magvlog diyan ha? Tip ko lang sa inyo ay maging natural and be true to yourselves sa pagvvlog. Okay? Tara na, ng makarating na sa pupuntahan natin.”
Ngiti ni tita Miyah while handing us the DSLR.“Noted po tita!” Iris and Kevin said in unison.
Sumakay na kami sa van. Ngayon, si Iann na ang nagdadrive at si Matthew naman ang na sa shotgun. Ang vlogging camera ay na sa harap at nagchacharge, ang DSLR naman ay hawak ni Matthew.
“Magvlog tayo ngayon habang na sa trip tayo, wala naman tayong masyadong gagawin tsaka alam kong hindi pa kayo naantok ulit.” Sumangayon kami kay Iann.
Tumingin sa amin si Matthew.
“Mag-ayos kayo, magvvlog tayo.” Sabi niya, wearing his no expression face.
Umayos ng upo si Iris. Si Alicia naman inayos ang buhok niya. Ang tatlo sa likod ay nagsi-ayos na rin habang ako, patuloy lang sa pagkain ng Piatos. Yung clover kasi na kila Kevin na.
“Hello, papunta na kami sa Nasugbu ngayon and hindi kami makatulog so we decided to vlog kahit hindi namin alam ang gagawin namin.” Panimula ni Matthew while the camera is working. Patuloy lang ako sa pagkain at hindi na nag-ayos pa.
“Iris Aguilar here, the second dreamer. I hope you're all fine there guys, follow all my social media accounts! ” Singit ni Iris. Tinapat naman ni Matthew ang camera sa kaniya.
“Pasimpleng plug is real!” Parinig ni Kevin sa likod ko at tinawanan namin nila Sprencer. Hindi ako makatawa ng maayos kasi may kinakain ako.
“Ang nagdadrive ngayon sa amin ay si famous Iann, yes sir. Ano pong ginagawa niyo sa buhay niyo noong mga nakaraang araw sir?” Pagtatanong ni Sprencer kay Iann ay tinapat naman ni Matthew ang camera sa pagmumukha ni Iann.
He's covering himself, I guess he's camera shy.“Takot po yata siya sa camera mga ma'am at sir, so dapat na pong itapat sa akin 'yan because I am the most handsome ano po.” With pogi sign pa si Kevin na pilit ipinatatapat sa kaniya ang camera.
“Kulang lang po talaga siya sa tulog. Pagpasensyahan niyo na.” Sabi ko bigla, ewan ko ba. Comfortable na ako sa kanila kaya nakakapagsalita na ako ng ganito, slight.
“Parang kanina lang kiniclaim mo na ikaw ang pinakamaganda, Leoris.” Natatawang sabi ni Alicia.
“Actually, ako talaga 'yon, e'.” Sabi ni Sprencer. Binatukan siya ni Kevin.
“Sprencer TV, everyone. Siya raw po ang pinakamaganda rito, kaya po hindi po siya makapayag na kuhain ni Leoris ang trono niya bilang pinakamaganda.” Sahi ni Kevin. I think 'yan yung channel ni Sprencer.
“Walanghiya ka, pre. Hindi mo lang matanggap na mas gwapo ako sa'yo.” Tinapat ni Matthew kay Sprencer ang camera.
“Sorry for inconvenience, our dear viewers. Pinagtatalunan pa kasi nila kung sino ang susunod sa yapak ko.” Bumuntong hininga si Matthew.
“'Wag mo kaming ginagan'yan, Matthew. Alam naman nating lahat na ako talaga ang pinaka gwapo rito, e'. 'Wag niyo naman sila pagsinungalingan.” Parang nadidismayang sabi ni Kevin.
Binatukan ko siya. Yes po, binatukan ko po si Kevin Sanchez.
“Nananakit yung bunso natin, oh!” Sigaw ni Kevin habang hinihilot ang kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Teen Fiction"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...