Chapter 16

68 3 1
                                    

-Chapter 16-
Leoris;

"I' m glad na nakabihis kana agad, Sweety. Although I just got home from Canada, after Lunch can you help me with my shopping? I really missed you, please?" She's pleading already, pacute si tita.

"Of course, tita. You know how I missed you so much as well. Also, I missed your shop. I didn't get to see your shop for a long time na, e'. Opo nga pala, tita. Nabalitaan niyo na po yung Project Dream?" Masaya kong turan sa kaniya. Medyo naconfused siya noong una at ngumiti.

"Ah yes, sabi ng tito mo si Nash din daw ay sumali pero he's not in? Right? Pero that's fine." Sabi ni tita.


"Ma, we should eat first. Tatawagin ko lang po si tito Nards, just go straight sa dining table, ma and Kaydence." Sabi ni kuya Nash na kinakabahan na umakyat kasi tatawagin niya raw ang papa ko. Tinanguan siya ni tita at hinila na ako ng tita papunta sa dining.

____

Kumakain na kami ngayon sa dining, nandito na si papa, ako, tita and kuya Nash. Masayang nag-uusap sila tita at papa.

"Sinong nagluto nito, kuya?" Tanong ni tita kay papa habang tinuturo ang Kaldereta.



"Yung bago naming cook, si manang Felice kasi ay nagresign na dahil na rin sa edad niya. Pero still, financial stable naman sila and pinababantayan ko si manang sa iba kasi s'yempre part pa rin siya ng family natin." Nakangiting sabi ni papa.


"Oo nga pala, kuya. I'll bring Leoris with me, is that fine? I know its fine. Minsan lang ako rito sa bansa, alam mo na kuya." Napailing na lang si papa habang tumatawa dahil sa kachildish-an ni tita. Sabi nila nagmana raw ako kay tita Natalia ng slight. I pouted and nagsumbong sa kaniya,


"Tita, sabi po nila papa at tito kaugali raw po kita, childish daw po tayo? Hindi naman po ako gano'n, 'di ba?" Crossed arms kong turan sa kaniya. Tumawa siya,

"Ayaw mo 'yon? We're both cute and elegant at the same time, sweety? Hehe!" Sabi ni tita.
Napasinghal nalang ako.





"This is what I'm talking about, see? Nash?" Sabi ni papa, nang-asar pa.




___

"You know what? Your name really makes me feel majestic, Leoris Kaydence Sattuva." Sabi ni tita habang nagdadrive siya. Ngumiti ako kay tita,


"Tita, alam niyo po ba kung saan nakuha ang pangalan ko, except kay papa?" Tanong ko kay tita, noong una ay parang naghehesitate siya pero ngumiti rin siya.

"Leoris comes from Leonardo which is your papa, Kaydence is from the second name of you mama. Wait, hindi mo ba alam 'yon?" Umiling ako. I never knew na may second name ang mama.

"Your mama's name is Lilith Kaye Sattuva, that's explains your Kaydence. But you know your father, ayaw niyang tinatawag kang Kaydence hindi ko rin alam." Natatawang sabi ni tita.

I nodded at her, na sa shotgun seat ako ngayon. Its also raining, I love rain. Napangiti ako, name ni mama is Lilith Kaye? I smiled again.




"You really look like her, sweety. Lalo na yung buhok mo. Alam mo 'yon, hindi ba? She's like omg, she took care of her long shiny black hair like yours and nagkakamali talaga ang papa mo na sa akin ka nagmana." Natatawang sabi ni tita, tinignan ko siya na nagtataka.



"She's more childish than I am, but I don't know. Sobrang Bipolar no'n." Natatawang sabi ni tita Natalia. Ngumiti ako, yes sometimes bipolar din ako, e'. Minsan ko lang kasi ipakita ang chilidish side ko.




The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon