-Chapter 3-
Leoris;After the announcement of the new third batch or Project Dream na kasama ako ngayon our seniors just hugged and congratulates us and announced that tomorrow will be our first travel day as a group. May makakasama raw kaming dalawang senior upang magabayan kami sa gagawin namin. Agad namang sinangayunan ng lahat 'yon. Pagkatapos ng announcement na 'yon at kaunting paalala. Nagkausap kaming walo na magpapalitan nalang kami ng mga numbers and contacts namin para s'yempre macontact namin ang isa't isa.
Another thing, the first dreamer-ang leader namin. Si Matthew na anak ni tita Gaeia. Yes, tita na raw ang itawag namin sa nga seniors namin. Si Matthew na raw ang bahala magbigay ng time and place tutal siya naman ang leader at anak ng dating leader ng Project Dream.
After that, nagkasama na kami ng papa at kuya Nash. Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Pa! Kuya! Pasok ako!" Masayang bati ko sa kanila. Nakangiti ang papa at ang kuya Nash. Niyakap nila ako, group hug ba.
"You know that I'm proud right? Okay lang na hindi ako nakapasok basta manlilibre ka." Sabi ni kuya Nash noong bumitaw siya. Tinignan ko siya ng masama.
"Oo nga naman, Ris. Naghirap din ako roon para makasama ka, hmmp! I deserve a Jollibee Chicken Joy. We deserve, actually. Treat me and papa gano'n. " Akbay niya sa akin. Si papa naman natawa lang. Ang papa ni kuya Nash? Ang sabi nila sa akin umuwi na raw at marami pang paperworks siyang gagawin.
"Oo na, oo na. Papa, punta po tayo ng Jollibee nagrereklamo ang kuya oh." Sumbong ko kay papa. Binatukan ako ni kuya Nash.
"Hindi naman kita pinipilit, e'. Pero kasi naghirap talaga ako doon. Pero ayos lang. Naiintindihan ko." Pagdadrama niya.
"Pupunta na tayo ng Jollibee, kinokonsensya mo pa ako, e'!" Nakangiting sigaw ko sa kaniya.
"Tama na 'yan. Tara na sa kotse at pupunta tayo ng Jollibee na 'yan." Ngiti ni papa at naglakad kami papuntang parking lot. Nakasabayan ko pa ang ibang dreamers. Si Iris, mukhang nagmamadali talaga yung iba naman. Masayang nag-uusap kasama ang pamilya nila.
_
"Maghahanap na ako ng upuan, kayo na umorder Leoris at Nash. Alam niyo naman na ang akin. C1 ha? Sige na." Tumango lang ako kay papa pagkapasok ng Jollibee. Nagpalista ako sa kumukuha ng order at si kuya Nash din. Ang haba ng pila ngayon. Nag-excuse ang kuya na siya na magccr daw siya. I just told him that I can manage to order by myself.
When its already my turn to order, I immediately give the greaseproof paper kung saan nakalagay ang orders na inilista ng babae na nagpalista sa amin kanina ng order namin.
"Two C1 and one C6 with chocofloat? Do you want fries po? You'll just add thirty pesos for the large one. Ma'-" When she looked at me,
"Iris?" I remarked. She looks shocked and she suddenly smiled.
"Hi, Leoris? Tama ba? Order ka muna ha." Then she move closely to me, "Chikahin kita later, baka mapagalitan ni boss, e'." Then she adjusted our distance at inayos ang order ko. Bago ako umalis sa pila, she said that she'll be the one to put our orders sa table namin. May hawak pa kasi akong number. Meaning, hihintayin pa namin and she said, five minutes.
I just sat there with my kuya Nash na busy sa ML at si papa na may kacall about business sa phone. While I'm waiting naisip ko na kaya pala nagmamadali si Iris kanina, may duty siguro rito.
Maya-maya pa, nakita ko siyang lumabas sa counter bitbit ang dalawang tray. She's smiling even though I think nahihirapan siya.
"Victory!" I heard the cellphone of kuya Nash, he suddenly saw Iris at bigla siyang tumayo.
"Tulungan na kita miss." He said while kinuha ang isang tray. Nilapag na nila ang tray sa table namin at tinignan ko si kuya Nash. I don't know why but I think I saw his eyes spark or something. So weird.
"Thank you, sir. " Magalang na pasasalamat ni Iris.
"No problem. Nash nalang." Sabi ni kuya. Nginitian lang siya ni Iris na parang na-aakwardan yata. Umupo na si kuya habang binalikan ang cellphone na ngayon ay nakabaliktad. Napailing na lang ako. Si papa naman, inend ang call at inayos ang aming mga order. Si Iris?
"Leoris, unahan na kita. Yes, nagtatrabaho ako rito and I'm a working student, why? Kasi nga gusto ko maranasan maging independent. Isa oa for experience." Huminga siya ng malalim. Natawa nalang ako.
"That's fine, Iris. Isa pa, I'm happy to know you more. Thank you ulit ha? Wait, baka naiistorbo na kita. Text you later, Iris. Alam mo na." Sabi ko sa kaniya. She just replied, "Okay." And then she kissed my cheeks.
Bakit gan'yan agad kami kaclose? Kanina kasi and during our challenges na dinaanan. Magkakilala na kami. Not that close kagaya ngayon, pero magkakilala na kami. She's like a close friend to me and I'm very thankful to have her in Project Dream. Siya pa lang ang kilala ko doon. Yung iba? Nagbigayan lang kami ng numbers and contacts, pero hindi ko pa talaga sila nakakausap or what. Kaunting interaction lang, gano'n.
Nang nakaalis na si Iris, I tapped kuya Nash's shoulder.
"Wala na. Umayos kana kuya, tignan mo oh. Ganda talaga ng cellphone kapag baliktad na ginagamit. " I laughed at him.
He just shrugged and bigla niya nalang ako binatukan.
"Magtigil na kayo diyan, na sa harap ng pagkain. Nash, kung gusto mo. Kilalanin at ligawan mo. Gan'yan mga lalaki sa pamilya natin." Biglang singit ni papa. Mas tinawanan ko si kuya Nash kasi biglang namula ang tainga niya.
Kumain na kami at nangungulit ang kuya Nash sa akin na ibigay ko raw ang number ni Iris. I just told him that I will send her number later to his number. Nangungulit na ngayon na.
"Mamaya na kasi, kumakain, e'. Or kung gusto mo, kuya 'wag ko na ibigay? Hmm?" Doon tumigil siya.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko na agad ko namang tinignan.
_
PD Matthew sent a message.
Tomorrow, 6:30 AM. Dream Team Seminar Room. 2 days one night.
Destination: Fortune Island, Nasugbu Batangas.-Bring pocket money for emergency purposes and souvenir expenses (if you'll insist to buy.) No need to pay for the trip. Its all with the Project Dream Founders.
-Lastly, bring your music istruments if you have. If you don't want to bring, its fine. Be reminded that we'll do a vlog as a group tomorrow! That's all. Thank you, dreamers. See you tomorrow.
Reply after reading this, Project Dream Third Batch.
-Matthew, first dreamer of Project Dream, third batch.
_
I smiled after reading that. I saw Iris holding her phone too. She looked at me and smiled, she murmured, "Bring foods!"
I just laughed at her.
-----
•
Daily updates starts now, March 20, 2019. Goodluck to me, lol. Thank you for reading. Don't forget to vote and comment! What do you think about Iris? Is she a good friend or what? First impression at the comment box! Thank you for reading.I'm excited to their first outing. Ano nga ba talaga ang dahilan ni Leoris kung bakit siya sumali?
03/20/19
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Teen Fiction"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...