-Chapter 4-
Leoris;“Mag-iingat ka roon, Leoris. ” Sabi ni papa habang niyakap ako. Hinatid niya ako palabas ng kotse namin habang tinutulungan ako sa dalawang bag ko. Kaya ko naman, kaso gusto talaga ni papa ihatid ako sa seminar room. 5:35 AM na ngayon, at dahil nga 6:00 AM talaga, heto ako malapit na malate. Umakyat na kami ni papa sa elevator, yung elevator dito, e'. Transparent. Nakikita ko ngayon ang pagsikat ng araw, napangiti ako.
Bumukas na ang elevator at binaybay namin ang kahabaan ng hallway. Ang laki talaga ng building na 'to. Habang naglalakad kami ni papa, tinignan ko siya. Nakangiti lang siyang naglalakad, hinanap na namin ang pinto ng seminar room.
“Pa, okay na po ako. May trabaho ka pa po 'di ba?” I kissed my papa's cheeks.
Bumuntong hininga siya.“Fine. Take care, okay?” I nodded as a response to him. Pinanood ko lang si papa na umalis at binuksan ko na ang pinto ng seminar room.
Pagkabukas ko ng pinto ng seminar room, nakita ko agad si Iris na nagseselfie. Si Alicia na may ka call at nakatapat sa glass window. Mukhang stressed sa kausap. Si Iann, Sprencer at Lance ay magkausap at nagtatawanan sa mahabang upuan. Si Matthew naman ay kausap ang isa sa second batch. Si Kevin? Nakatayo at parang nagjojoke yata kila Iann. Tawa naman ng tawa yung tatlo. Nakita ko si tita Miyah na nagm-make-up 'yata?
Nilapag ko yung dalawa kong bag na malaki sa tabi ng mga bag nila na katabi ng pintuan, medyo marami rin.
“And'yan na pala si Leoris, e'. Leoris!” Tawag sa akin ni Kevin at napatingin naman silang lahat. Ibinaba na ni Alicia ang cellphone niya.
“Yown!” Sabi ni Iann. Tumayo siya at parang nakikipag-apir sa akin, tumawa nalang ako at nakipag-apir. Lumapit naman sa akin si Iris,
“Goodmorning, Rissy! Ready na ba?” She asked, I just chuckled.
“Oo naman, kagabi pa. Hindi ako mas'yado makatulog, e'.” Sabi ko.
“Hala, ako rin. Excited ako na kinakabahan or what.” She told me. Biglang lumapit sa amin si Alicia.
“Hi girls! Sama ako sa inyo. Ayoko roon sa boys, tignan niyo naman.” She told us, she looks like annoyed or something. Tinignan ko yung lima. Si Iann at Sprencer nag-aayos na ng gamit, si Kevin, Matthew, at Lance naman papalapit sa amin. Sila naman ngayon yung nagtatawanan. Wait, tumatawa si Matthew?
“Girls, be ready.” Sabi sa amin ni tita Miyah. Tinanguan lang namin siya.
“Kanina pa ba kayo rito?” I asked the two girls while kinakalas ko ang tali ng buhok ko. Magsusuklay nalang ako, kaliligo ko lang din kasi and I feel dizzy whenever I tie my hair while my hair is just fresh from bath, gano'n.
“Hindi naman, wait omg. Can we take a picture?” Sabi ni Iris. Yes, hindi na siya nagtanong. Pagkatanong niya na 'yon, bigla niyang nilabas ang cellphone niya at nilapit kaming dalawa sa kaniya.
“1, 2, 3!” Sabi ni Iris, I smiled.
Pagkatapos namin mag ngitian sa picture, tinignan namin ang picture. Nandoon ang limang lalaki sa likod namin. Nilingon ko ang likod namin, wala naman sila, nag-aayos na silang lahat ng gamit. Still nagtatawanan. Atleast hindi akward.
Tinignan ko ang picture.
“Si Matthew oh! Boys, anong ginawa niyo dito? ” Tinawanan talaga namin ang picture. Paano ba naman kasi, buhat nila si Matthew, tapos nakahawak si Kevin sa mukha ni Matthew. Binabanat ang mukha niya. Lumapit sa amin ang boys, except kay Matthew na parang naiinis.
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Teen Fiction"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...