Chapter 30 - Final Chapter

220 6 0
                                    

-Chapter 30; Finale-
Kevin;



"Kevs! Nakausap mo na ba si Matthew? Anong oras na." Inip na sabi ng kaharap kong si Iris, nginitian ko na lang siya at sinagot.



"Ang sabi niya sa akin mga ten minutes na siguro ang nakalipas papunta na raw sila, kumalma ka Iris." Ngiti ko.



"Hon, 'wag na magpastress okay? Baka manganak ka bigla." Sabi ni Nash na katabi niya,



"Grabe ka Nash! Talagang you're telling that sa asawa mo? Omg ka, girl calm down. My inaanak you too, calm down diyan sa tummy ng mommy mo ha? Kapag you go out there na please make sipa sa daddy mo ha? Kalurkey." Sabi ni Alicia, tinignan ko siyang pagsabihan ang baby sa loob ng tiyan ni Iris.



"Anong oras ba raw kasi makakarating si Matt?" Tanong ni Lance.



"Wow naman, artista na kasi kaya nag gagahol sa oras e'." Pang-aasar ni Sprencer na katabi ngayon ni Alicia, ilang years na rin silang kasal. Natawa ako ng binatukan siya ni Alicia, kahit kailan talaga hindi nagbago 'tong dalawang 'to.




"Bago kayo magpatayan diyan, nandito na kami." Napalingon kami sa likod ng nakita namin ang leader namin with his wife, oo hindi siya nagpapatalo sa amin, joke lang. Isa rin 'to, e'. Bigla nalang kami nagulat ng nag-asawa. Nakakapit sa kaniya ang asawa niya, sino? Si Michelle. Siya yung kasama niya noong graduation ko.



"Anong patayan? Grabe ka, umupo ka na lang doon. Napaka talaga." Irap ni Michelle sa kaniya, inasar nanaman ni Sprencer si Matthew.



"Kawawa ka talaga pre, hindi ka nga forever single pero under ka forever." Tawa ni Sprencer, nakipag-apir pa sa akin. Oo, kasama ako sa pang-aasar.



"Wala e'. Mahal na mahal ni Matt, e'. Isipin mo, dinaig pa ni Mich si Matt sa pagiging cold kapag may away sila?" Tawa ako ng tawa, ang sama na ng tingin ni Matthew sa amin.



"Baliw, 'wag masyado sagarin si Leader. Alam niyong may problema 'yan sa kompanya e'. Bago lahat 'yan, kain muna tayo." Sabi ni Iann na nagniningning ang mga mata noong nakita ang mga pagkain. Walang masyadong nagbago, sadyang tumanda lang kami, at nagkaroon ng sariling pamilya. Katabi ni Iann ang kapapanganak palang na si Faith para sa ikalawang anak nila. Yung restaurant nila, four stars na kaya nakakaproud talaga. Kaso pati si pareng Iann under.



"Mga buset kayo. Nakakabitter talaga 'tong table na 'to, wala lang si Iyah nang-iingit na kayo." Sabi ni Lance na talagang sikat na ngayon, nag-artista siya at singer. Tinigil niya noon ang pag-aartista ng dalawang taon para samahan ang asawa niya sa pagbubuntis. Pero swerte talaga si Lance, nakabalik siya sa Showbiz pagkatapos.




"Busy talaga ang misis mo pre, kumusta si Elle?" Tanong ko kay Lance habang kumakain, may sariling usapan na ang iba pero gano'n pa rin.




"Ayon, sobrang mana sa nanay niya. Marunong sumayaw, pero magaling kumanta. Tinuruan ko noong isang araw, e'." Sabi niya. Kung tatanungin niyo, kung ilang taon na ang anak niya? 9 yearsold. Siya ang pinaka huling nag-asawa sa amin. Mabait masyado at career oriented.



Natapos ang pagkikita naming lahat ng bandang alas tres ng hapon, everymonth hindi namin nakakalimutan magkita-kita. Gano'n talaga ang pagkakaibigan namin. Ang mga asawa nila, magkakaclose na rin.





Nakasakay ako ngayon sa sasakyan at papunta na sa stadium.



1 message received, from Elise.




The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon