Third PersonNapaupo sa pagod ang isang dalaga at ang kasama nitong binata sa bleachers sa loob ng isang building na pinasukan nila. Ramdam ang tensyon at kaba ng lahat ng tao sa silid na iyon.
Kinakabahang tumingin ang dalaga sa katabi nito. “Sa tingin mo ba, makukuha tayo sa interview kuya Nash?”
Binatukan naman ito ng kasama na ikinainis niya. “Kalma ka nga lang, oo matatanggap tayo. Stage one pa lang ito, Leoris. Interview pa lang kinakabahan kana. Paano pa kaya sa mga exams and challenges na nabanggit kanina?”
Sinamaan ng tingin ni Leoris ang pinsan niya.
“Imbis na pagaanin mo ang loob ko, talaga naman!”“Iclaim mo na kasi na matatanggap ka, maniwala ka lang ganern. Arte nito, think positive lang.” Natatawang sambit ng chill na si Nash.
Sa isip-isip ng dalaga, hindi ba talaga kinakabahan ang pinsan niya? Siguro nga natural na lamang na kabahan siya rito kasi ito ang una niyang pagsabak sa interview. Hindi kasi siya sanay sa ganitong mga bagay. Samantalang ang pinsan niya, malakas na talaga ang confidence, noon pa man.
Napabuntong hininga na lamang siya ng bigla siyang tawagin sa speaker na sa loob ng silid na 'yon. Sa tansiya niya ay halos thirty silang na sa loob ng silid na puro bleachers.
“Leoris Sattuva? Leoris Sattuva please proceed to window number four to claim your files. You're in. I repeat, Leoris Sattuva, please proceed to window number four to claim your fikes, you're in. Thank you.”
Napatayo siya bigla sa kaniyang kinauupuan na kaagad niya namang pinagsisihan dahil napukol sa kaniya ang atensyon ng karamihan. Napayuko na lang siya sa hiya.
“Hoy, Leoris. Kunin mo na ang files mo sa labas nitong kwarto, window number four daw. Pasok kana sa next stage!” Bumalik siya sa realidad ng yugyugin siya ng kuya Nash niya.
“Thank you, kuya Nash!” Nagmadali siyang tumayo at lumabas ng kwarto at kinuha sa na sabing bintana ang mga papeles niya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Kaya hindi muna siya pumasok sa loob ng silid kung saan lahat ng sumubok sa interview para sa Project Dream Third Batch na parang Pinoy Big Brother lang ang peg. Ang pinagkaiba lang, wala silang slot sa telebisyon at hindi sila sa iisang bahay lang. Travel ang ginagawa ng Project Dream at tumutulong sa mga batang may pangarap at isa siya roon kasama na ang pinsan niya.
Napaupo siya sa iaang upuan na nakatapat sa isang bintana kung saan tanaw na tanaw ang ganda ng mga building. Hindi pa siya makapaniwala kaya hindi niya mapigilan ang ngiti niya. Maya-maya pa, nagulat na lamang siya ng may kumalabit sa kaniya.
“Miss? Sa iyo yata 'tong ID? Leoris Sattuva?” Napapitlag siya, nakita niya ang isang babaeng halos kasing tangkad niya lang na may nilalahad na ID.
Napangiti siya at kaagad na nagpasalamat.
“Ah eh, oo sa akin nga ito. Maraming salamat... Uhm?”“Iris. Iris Aguilar.” At doon nagsimula ang medyo pagiging malapit nila sa isa't isa, bilang magkaibigan talaga at maaasahan tuwing challenges. Pero kalaunan, parang naging mailap si Iris sa kaniya, sa isip ni Leoris. Siguro may problema o 'di kaya, busy lamang siya.
Sa kabutihang palad, nagkasama ang dalawa sa pag-abot nila ng kanilang pangarap. Ang maging isang Dreamer.
____
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Teen Fiction"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...