Chapter 20

72 3 0
                                    

-Chapter 20-
Leoris;





“I heard that, we heard that actually.” Bulong sa akin ni Iris na ikinabahala ko.





“Anong narinig niyo?” Tanong ko at bahagyang sumandal. Ngayon ang oras at araw na uuwi na kami at magpapahinga para sa susunod na ikalawang araw papunta sa charity work namin na excited na talaga ako dahil sa mga bata.






“Gusto ka ni Kevin.” Malakas na pagkasabi niya, tumingin sa amin si Matthew, Alicia, Iann, Sprencer and Lance.







“Before he told you that, we actually knew his not so secret thingy.” Umiirap na sabi ni Alicia, “Torpe, iwasan ka ba naman para pigilan chuchu na 'yan.” Naiinis na sabi ni Alicia. Tumingin ako sa bintana ng van, hindi ko alam ang sasabihin ko.






“He's serious about you, Leoris.” Sabi ng seryosong Matthew. Napalunok ako, ginugulo ako ng isip ko.






“Hayaan niyo muna siya, naiintindihan ko na kailangan niya mag-isip and please don't stress her, look at her.” Tumayo at lumapit sa akin ng kaunti ang na sa likod ko na si Kevin at kinapa ang leeg ko na kinagulat ko at nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Inalis ko bigla ang kamay niya sa leeg ko, nagulat pa yata siya pero nagulat din ako.





“May lagnat ka, Leoris.” Sabi niya, tinignan ko siya at umiwas din ng tingin. Hindi ko kaya ang tingin niya.






“I know.” Sabi ko,





“Iris, can you wrap this blanket around her?” Kevin asked Iris na kaagad namang tinugon at ginawa ni Iris. Tinignan niya ako ng may pangagasar.






“Alicia, naiinggit ka ba sa kanila? Wait, babalutan din kita ng kumot you want my darling?” Medyo seryoso pero medyo batid namin na pangangasar ni Sprencer kay Alicia.






“Eww, stop it. Not funny kaya!” Naiinis na sabi ni Alicia na nakapagpatawa sa amin. Nagpatugtog si Matthew.






Kung tayo'y matanda na, sana~...” Mga huling narinig ko, bago ako makatulog ng tuluyan.









_____





“Take care, Ris. See you soonest, girl!” Alicia waved at me as I stepped outside the van.



“Bye, Leoris! Ingat palagi, bunso namin!” Iann smiled at me. Isasarado na sana nila ang pinto...






“Please take care, Leoris! Magdala palagi ng jacket, ha? Don't forget my clover, Piatos ko!” Pahabol ni Kevin na sinundan ng ayie nila Lance, Iann, Sprencer at Matthew. Oo, Matthew. Loko-loko 'tong mga 'to. Kumaway ako sa kanila at nagpasalamat kay kuya JV.





Pumasok na ako sa bahay, nakita ko si manang na kaagad akong binati at sinabihan na maya-maya pa uuwi ang daddy sa dinner. Nginitian ko si manang at binigyan ng damit haling Cordillera, nagpasalamat siya. Binaba ko lahat ng gamit ko at inayos ito, nagbihis na rin ako. Napabuntong hininga ako at kumatok sa kwarto ni kuya Nash. Para magpapayo.





“Kuya, Leoris 'to.” Sabi ko, narinig kong nagclick ang pintuan at sumalubong sa akin ang kagigising lang yata na si kuya Nash. Ngumiti siya,







“You're home, how's your trip couz? Kumusta si Iris?” Sabi niya, nilagpasan ko muna siya at umupo sa kama niya.







The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon