Chapter 10

100 4 0
                                    

-Chapter 10-
Leoris;



“Malapit na ba guys?” Hirap na hirap na sabi ni Alicia. Today is our Day 2 here at Fortune Island, may ibang mga turista na rin, its nine in the morning. Its like three minutes pa lang kaming na sa lakaran, napagod na agad si Alicia.



“Yes, madali lang 'to. Kaya 'yan!” Sabi ni tito Mike. Kagabi nga pala nagsountrip lang kami at nag-usap about sa gagawin namin ngayong araw.  Nakatulog rin kami mga past ten in the evening na rin 'yon. Naglakad kami ng kaunti at nagvlog din ng kaunti noong gabi na. May dala namang maliit na ring light si Alicia, for selfies daw. We just told the viewers kung ano yung mga pinaggagawa namin doon. Habang nagtatanungan pala kami, nakaDSLR video shot pala 'yon. Timelapse lang din.

“Finally!” Sigaw ko noong naakyat namin ang hagdan. Now, this is the Grecian Pillars. Ang ganda, maya-maya pa nagsalita si tita Miyah.


“Na sabi ko na bang ang Founders at ang Second Batch ay ito rin ang unang pinuntahan?” Nakangiting sabi ni tita Miyah.

“Woah, talaga po? Seryoso?” Tanong namin.




“Yes, kaya nga alam namin at kabisado ang ruta rito, e'. S'yempre, kilala rin si mang Peter.” Ngiti ni tito Mike, “Sige na, magpicture na kayo diyan.” Sabi ni tito Mike. Isa lang ang masasabi ko, its...
Breath taking. Yung view, yung ruins, yung hangin and lahat-lahat. Super ganda.



“Girls! Tara, selfie!” With monopad na sabi ni Alicia at nakataas na. Ilang shots din 'yon.



“Boys! Tara na, alam naman naming gusto niyo rin, e'. ” Sabi ni Iris. Nagkatinginan sila Kevin, Iann at Sprencer. At hinila nila si Lance na natatawa at si Matthew na naiinis pero nakangiti.

“1, 2, 3, PROJECT DREAM!” Sabay-sabay naming sabi.



Hindi ko makakaila na naging close talaga kami.

_

Naghiwa-hiwalay muna kami saglit at nagvlog sila. Naupo lang ako sa may bangin doon. Ang ganda talaga ng nature.




Pumikit lang ako at dinama ang hangin. Ang sariwang hangin.  Bumuntong hininga, at ngumiti.


“Mama. Miss ko na po kayo, masaya po ako, ma. Ang tagal na rin po.” At idinilat ko ang mga mata ko, tumayo sa kinuupuan ko at tinignan ang pitong mga tao na sa tingin ko, magiging malaking parte sa buhay ko.





“Leoris, tara rito! Miss kana ng mga nanunuod!” Tawag nila sa akin. Ngumiti ako at nagsabing,



“Miss niyo agad ang pinakamaganda sa atin!” Natatawa kong sabi at tinakbo sila.






_


Its been seven hours noong umalis kami sa Nasugbu, Batangas. Specifically, sa Fortune Island. Naalala ko ang mga huling salita ko doon.

Babalik kami rito, Fortune!” 'Yan yung huling mga salita ko roon.

Isang oras na lang at uuwi na kami. Na miss ko rin ang papa at ang kuya Nash.
Bukas, back to reality nanaman. One week from now, start na ng klase. I'm a tourism student. First year college.



“Hello our dear viewers! Sa ngayon, gusto lang naming magpasalamat sa panunood at pagsama sa aming first trip as a group. Nag-enjoy ba kayo?” Tanong ni Matthew habang nakahawak sa DSLR.


“Oo naman!” Sabi ko.


“I second the motion!” Iris.


“Yes, s'yempre!” Sabi ni Kevin.



The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon