Chapter 29

135 4 0
                                    

-Chapter 29-
Leoris;



This place never failed to amaze me. Its my second time here, and still I'm inlove with you, Fortune Island.



"Kaunti nalang talaga, magseselos na ako sa Fortune Island. Tama bang bumalik ulit tayo rito?" Umakbay sa akin si Kevin na kabababa lang sa bangka. Ang anim? Nagtatakbuhan papunta sa camping area. Napatawa nga ako kanina, sobrang excited.



"OA mo talaga, nagandahan lang ulit dito e'. Tara na nga doon sa kanila!" Hila ko sa kaniya. Tumawa nalang siya, ang kulit talaga nito. Pati island, pagseselosan.



Natanaw namin ang kubo, ang mga kasama namin? Nag-aayos na ng tent, inaayos na ang camera. Hindi kami magvvlog, picture lang. Napag-usapan na nila 'yan, e'.




Noong nakalapit na kami sa kubo, napansin ko ang nagluluto sa gilid. Napangiti ako at kinalabit si Kevin, itinuro ko yung nagluluto. Sumenyas ako na gulatin namin, todo tango naman ang mokong.






"Mang Peter!" Sabay naming sabi ni Kevin, humarap sa amin ang matanda. Umiling-iling siya at ngumiti,






"Hindi niyo ako magugulat. Inaasahan ko na 'yan, mga bata talaga. Nakadalawa na kayo, kanina si Sprencer. Hala sige, mag-ayos na kayo ng tutuluyan niyong tent doon. Malapit na rin ito matapos, malapit na ring magdapit hapon." Ngumiti si Mang Peter, sinunod namin siya.





"Ilang months na ba noong huli tayong pumunta rito?" Bigla kong tanong kay Kevin na inilapag na ang bag niya sa buhanginan. Tumayo siya ng tuwid at nag-isip.





"Sandali, Rissy... Mag-iisang taon na. Tama, mag-iisang taon na. Ibig sabihin, anniversary ng Project Dream." Sabi niya, nanlaki ang mga mata ko. Napansin kami ni Alicia na hindi pa kumikilos at tinawag niya kami,





"Mamaya na ho ang PDA thingy, let's fix our tents na. Anyway, why are you nag-uusap ng serious? What is it? Is there any problem?" She asked us, I was about to speak ng mabilis na sumagot 'tong Clover na 'to.





"Mag-iisang taon na kasi noong huli tayong pumunta rito. Eh hindi ba, ibig sabihin malapit na ang Anniversary ng Project Dream?" Nanlaki rin ang mata ni Alicia.
Bigla siyang tumingin sa amin at hinila na kami papunta sa bilog na lalagyan namin ng tent.





"Guys! Malapit na ang Anniversary natin! Omg, I just realized it by now. Tama si Kevin, mag-iisang taon na last punta natin here!" Masayang sabi ni Alicia, napatingin sa amin sina Iann at Sprencer na naglalaro ng buhangin sa tapat ng tent nila. Si Iris na nagseselfie, selfie queen talaga. Si Matthew at Lance na nag-aayos ng tent.






"Mga bata, kumain muna kayo?" Magsasalita pa lang sana si Lance ng tinawag kami ni mang Peter. Its already 6:00PM, yes. We need this too, mahaba ang biyahe namin kanina. Tumango sila at iniwan muna ang tents namin.





______


Kapag masaya, mabilis ang oras talaga.


"So okay, how do you feel na malapit kanang ikasal, girl?" Katatapos lang kumain ni Alicia sa kanan ko. Muntikan na akong mabilaukan sa tinanong niya, nanggugulat!




"U-uhm. Masaya, excited na kinakabahan." Simpleng sabi ko, tumango lang siya.






"Can you tell me where did the Rissy and Vin came from? Its actually a mystery to us, girl. Swear. Ba't hindi kayo nagkukwento, you're so nakakapagtampo." Tumawa ako sa sinabi niya,



The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon