-Chapter 18-
Leoris;“Medyo masikip na ang mga dadaanan natin maya-maya, mag-ingat kayo sa mga tinatapakan niyo.” Sabi ni kuya JV, kahawak kamay ko si Alicia. Medyo mainit sa part na nilalakaran namin ngayon. Na sa bukana kami ng kweba. Nagvvlog si Lance, oo siya nagvvlog. Tapos si Sprencer, Matthew at Iann naman magkasunuran lang, katabi ko rin si Iris na nagseselfie ngayon.
“Ilang oras po kaya tayo matatapos dito?” Tanong ni Kevin na pa petiks petiks lang kay kuya JV.
“Mga isang oras lang gano'n, pero dahil madami tayo. Depende.” Sabi ni kuya JV, may mga nauna kasi sa amin. Mga turista rin sila and may nagvvlog din kanina, sa pag-oobserba ko.
“So na sa Lumiang Cave na po tayo, hindi ko alam kung may nga paniki ba rito kasi this is my first time sa isang cave.” Sabi ni Lance sa camera, napansin niyang nakatingin ako. Ngumiti siya at tinuro kami.
“Ayan po yung mga dalagang Filipina sa amin.” Kumaway kami sa sinabi ni Lance at biglang tumawa si Kevin, pero tinigilan niya rin. Tinignan ko siyang maiigi. Hindi ko alam, pero may iba talaga sa kaniya ngayon. Tama sila, hindi pa kami nag-uusap ever since pumunta kami rito. Parang iniiwasan niya ako, gano'n. Ewan, baka nag-aassume lang ako or what. Lumapit sa amin si Lance at ibinigay ang camera.
“So guys, actually habang pababa kami ng pababa, pakipot ng pakipot ang daan and palamig ng palamig. Mahina lang talaga yata ang resistensya ko sa lamig kahit ako ang pinaka bata sa amin.” Ngumiti ako sa camera.
“May echos echos daw na ipapakuha sa amin sila tita Gaeia sa baba once nareach namin ang dulo. Tita Gaeia, if you're watching this... Why? Joke lang, tita! Love you.” Natatawang sahi ni Iris, tinawanan ko na lang rin.
“Sprencer!” Tawag ni Alicia kay Sprencer, tinignan namin siya pumunta papalapit kay Sprencer, nag-uusap yata sila tapos umirap si Alicia at tinawanan siya ni Sprencer, hindi man namin sila naririnig. Feeling ko inaasar nanaman ni Sprencer si Alicia.
“Nakikita niyo po ba 'yan? Mukhang may loveteam po tayo rito ngayon.” Tinutok ko ang camera ko kila Sprencer at Alicia, mukhang na rinig nila pati na ng katabi nilang si Kevin ang sinabi ko. Natatawa si Kevin at si Sprencer nakangisi lang kay Alicia.
“Loveteam daw, Alicia. SprenCia?” Tumatawang sabi ni Sprencer, kinunwaring sakal siya ni Alicia.
“It kadiri, stop that!” Naasar na sabi ni Alicia at sinamaan kami ng tingin, tawa lang ako bg tawa.
“Matthew, kanina ka pa tinititigan ni Iris oh.” Sabi ni Kevin bigla, napansin ko rin nga 'yon. Natatawa akong tinapat kay Iris ang camera at inasar si Iris na namumula ngayon.
“Ikaw, Iris ha. Matthew ka pala ha.” Tumatawa kong asar kay Iris, lumapit rin sa kaniya si Kevin. Kumbaga pinagigitnaan namin si Iris.
“May gusto ka kay boss mapagmahal natin?” Mahinang bulong ni Kevin na nagpatawa sa akin ng malakas. Tinignan niya ako at noong tumingin ako sa kaniya, iniwas niya ang tingin niya.
“Wala, ano ba naman kayo?” Kinakabahang sabi ni Iris, tumawa nalang ako.
Maya-maya, nakarating kami sa tapat ng isang maliit na daanan na pabilog. Si kuya JV ang naunang pumasok doon, sumunod si Lance. Medyo matubig sa parte na iyon, as in makipot siya tapos sobrang umaagos yung tubig. Sumunod si Sprencer at inalalayan niya si Alicia na medyo kinakabahan kasi baka raw madulas siya. Tawa lang ako ng tawa kanina pa. Sobrang lamig na dito, dahil nga sa naasar na sa amin si Iris, sumunod siya kay Alicia. Isa lang ang napansin ko, halatang kinakabahan si Matthew. Tinignan ko si Kevin, magsasalita na sana ako para kausapin niya si Matthew, magkatabi pa rin kami.
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Teen Fiction"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...