-Chapter 13-
Leoris;“Leoris, na sa labas na yata ang mga kaibigan mo.” Sabi ni papa na umagaw ng atensyon ko mula sa pagtitirintas ng buhok ko.
“Sandali nalang po papa.” At tinapos ko na ang huling hibla ng buhok ko at tinalian ito. Umuwi muna ako sa bahay pagkatapos ng last subject namin, ngayon kami pupunta kila Lance. Nagtext na sila Sprencer.
“Mag-iingat anak.” Yumakap sa akin si papa na mukhang stress na stress na.
“Opo, papa. 'Wag po masyado magpapastress ha?” At tumakbo na ako palalabas ng bahay. Suot ko ngayon ang maluwag na longsleeves na kulay yellow at simpleng color gray na leggings habang nakasuot ako ng maliit na black leather bag kung saan nandoon ang clover, piatos at extra money kasama na ang phone and charger. Nakita ko ang Dream van at nakita kong nakabukas ng pinto. Tinakbo ko 'yon at nakita ang nagpipicture picture sila Sprencer at Iris together with Kevin and Alicia.
“Tumagal ka yata, girl?” Tanong sa akin ni Iris habang sinasarado ni Sprencer ang pinto ng van.
“Nagtali pa ako ng buhok and you know, naligo ulit ako.” Sabi ko at umayos na ng upo. Katabi ko ulit ang bintana, gano'n na kami palagi. Napagdesisyonan namin na palagi kaming dito na uupo.
“All good?” Tanong ni Matthew na nakaupo sa driver seat.
“Yes, driver. Joke lang po Matt!” Tumatawa kong sabi habang ipinapasa kay Kevin ang Piatos at isa pang clover kay Iris.
“Alam niyo na ba ang house ni Lance?” Tanong ni Alicia sa kanila habang nagshashare sila ng clover ni Iris.
“Of course, sinabi na sa akin ni mama.” Sabi ni Matthew.
“Patugtog naman kayo diyan.” Sabi ni Iris. Biglang tumunog ang If I Die Young by The Band Perry.
And being Leoris, nakatulog ako.
__
“Rissy, wake up! Nandito na raw tayo kila Lance.” Pagtapik ni Iris sa pisngi ko. Kaagad naman akong napaupo at tumingin sa paligid. Gising silang lahat and mukhang nakatulog talaga ako. These past few days, gusto kong matulog ng matulog lang. Pagod siguro?
“Nandito na tayo?” Kinukusot ko ang mga mata ko.
“Kinocontact ko pa rin si mama if anong color ng gate ng bahay nila Lance dito.” Sabi ni Matthew na nagtatype sa phone niya. Katabi niya si Iann na tinitignan ang paligid.
Si Iris nagsscroll sa facebook, si Alicia naman ginagaya ang ginagawa ni Iann na tumitingin sa paligid. Habang ang dalawa sa likod nagkukulitan.
“I miss Lance, my seatmate.” Nagkukunwaring naiiyak na sabi ni Sprencer tapos bigla siyang tumawa. Ang tawa ni Sprencer ay alam niyo 'yon? Parang hinihika?
I checked the time in my cellphone. Its already five in the afternoon.
“Color brown gate guys, tignan niyo lang sa paligid if may maspot-an kayo. Kevs and Sprencer kayo na humawak sa cake diyan at palabok ha?” Sabi ni Matthew.
Umandar ang sasakyan at nagsimula na kaming tignan ang mga kabahayan dito. Ang gagawin lang naman daw namin ay kakain at sa susunod daw ay isa nanamam sa amin ang iho-house raid biglaan. Wala namang problema sa akin 'yon, ang magiging problema lang nama kung sa amin is kung pupunta ang tita kong Doctor from Sweden. Ang nanay ni kuya Nash.
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Teen Fiction"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...