Chapter 19

63 5 0
                                    

-Chapter 9-
Leoris;

“Pahingi pa ng marshmallow, please.” Sabi ko kay Kevin na katabi ko lang ngayon. Its already eight in the evening here in the Sagada Bilza. We're outside the main hotel, and we're now in the front of the camp fire where we toast our marshmallows and nagkukwentuhan lang kami. Na sa kwarto namin ang mga phone namin, and yes... Mag gigitara raw si Kevin, napagdesisyonan namin na pagkatapos namin kumain ay magkuwentuhan nalang. Katabi ko sa kanan ai Kevin, nakapabilog kami, sa kaliwa si Iris katabi niya si Alicia at katabi ni Alicia si Sprencer at katapat ni Iris si Matthew habang magkatabi si Iann at Lance na katabi lang ni Kevin. Nakaupo kami dito sa kahoy na upuan at nakakumot ako ngayon habang nakatusok sa stick ang marshmallow.

“Open topics tayo, about—ano ba?” Tanong ni Matthew na nakatitig sa camp fire.



“About family?” Suhestiyon ni Iann. Napapikit ako ng um-oo si Matthew.


“Simulan ko nalang.” Sabi ni Matthew. Tumikhim siya at umupo ng maayos, tinignan ko siya. Bago siya magsalitamagsalita, nagsimula ng magstrum ng gitara si Kevin. Tinignan ko siya, bigla rin siyang tumingin at nag-iwas ng tingin noong nakita niya akong nakatingin. I chuckled.


“I have two siblings, Myra and Mira. They are twins and mas bata sila sa akin. My mother, si   Miss Gaeia nila.” Natatawa niyang sabi, “Ang cringey para sa akin kasi tinatawag siyang ma'am or what.” Sabi niya, napangiti nalang kami.


“Si mommy, sobrang maalaga siya. While daddy? Gustong gusto ako nahihirapan ng tatay ko, siya nagpursue na sumali ako sa challenge para makapasok dito. Sabi ko nga, noong una... Ayoko. Pero noong nagtagal—noong nakasama ko kayo,” Tumigil siya at tumingala, “It feels like home, kahit hindi ako palagi magsabi ng mga ganito sa inyo. Sa inyo nga lang ako ngumingiti, e'.” Pag-amin niya.

“Wala kasing judgements sa grupo natin, at 'yon din yung isa sa nga bagay na nagustuhan ko sa inyo.” Sabi ng umiiling-iling na si Iann. Napangiti kaming lahat.

“As you all know, I'm a single child. Only child. Spoiled ako, and I get what I want palagi. My daddy did that.” Biglang nagsalita ai Alicia.


“'Yon nalang daw kasi ang way niya, para hindi ko maisip si mommy. May iba na kasi si mommy na pamilya, e'.” She chuckled bitterly.

“But when I saw this group, yung una nating maging magkakasama sa stage? Yung una nating tawanan sa van at seminar room? Kasi, aminin natin. Nagkita-kita na tayo dati, sa seminar room and sa mga challenges.” Sabi niya, she continued, “Napalapit ako sa inyo. Naging totoo ako. Swear to God, I've never been this happy again. Lalo na't nawawala na ang kaunting arte sa katawan ko at na-eexplore ko ang mundo or Pilipinas ng dahil sa inyo. I'm not madrama but hey, ngayon lang 'to. Duh.” Sabi niya with matching irap pa.

“Aww. That's fine, Alicia. I'm here, tara iyak na.” Pang-aasar sa kaniya ni Sprencer.

“Puro ka kalokohan!” Naasar na sabi ni Alicia na tinawanan naming lahat.

“Super happy family, 'yan ang meron kami.” Sabi ni Iris. Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa nga stars habang yakap ang isang unan.

“Pero super happy family ang sabi ko, hindi perfect.” Ngumiti siya. Nangingilid ang luha.
Tatayo na sana ako at yayakapin siya ng pinigilan ako ni Kevin, umiling siya at sinabing hayaan ko muna. Gusto ko man siyang lapitan at yakapin, sinunod ko nalang si Kevin.

“But my papa is a real heartbreaker, noon pa man. May iba siyang pamilya, pero sinusustentuhan niya kami. Pero hindi niya ako tinuring na anak, ever. Bakit? Kasi... Malandi raw si mama.” Sabi niya, humihikbi na, pero she's holding it, “Nagpapasahan sila ng mga rason para mas maghiwalay sila. Sa labas? Super happy family kami. Pero hindi nila alam, ipit na ipit na ako.” Natatawang iyak niya.


The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon