Chapter 5

141 6 2
                                    

-Chapter 5-
Leoris;


“Guys, wake up.” Gising sa amin ni Iann. I streched and looked at them. Kasalukuyang ginigising ni Alicia sina Lance at Sprencer.

I looked at my phone first. Its already 11 AM. Si Kevin pala kanina pa gising.


“Dito na tayo?” Tanong ko.  I looked at Matthew, he's contacting someone right now.


“Wala pa. Stop over lang, maglulunch time na rin kasi, may three hours pa tayo bago makapunta sa Nasugbu. Tapos may one hour na travel sa bangka. Guys, tara na muna. Sina tito Mike at tita Miyah nauna na sa Fast food chain, sila na raw oorder. ” Sabi ni Matthew at nauna na bumaba. Na sa Petron din kami ngayon. I think magkakarga siya ng gasolina. Obviously.

“Lance, pakisapak na nga 'yang si Sprencer. Tulog mantika, jusko!” Stress na sabi ni Alicia habang nag-aayos ng buhok.

“Kalmahin mo ang sarili mo girl, ikaw na ang sumapak para mabigyang hustisya ang effort mo.” Tawa ni Iris habang nagchecheco ng phone niya. Si Kevin at Iann mukhang pababa na. Katapat lang ng Petron, may fast food chain. Inayos ko na ang gamit ko at tinignan ang labas. Na sa Batangas na kaya kami?

“Shining, shimmering, splendid!” Sigaw ni Sprencer na halatang iritado dahil sa paggising sa kaniya ni Alicia.

Natawa ako sa sinabi ni Sprencer.

“Anong shining, shimmering chuchu? Tara na guys, gutom na ako. ” Sabi ko sa kanila.

“Hindi lang ikaw, ang tagal kasi ni Sprencer, e'. Mukhang nananaginip pa yata kanina.” Savi ni Kevin.


Napailing nalang ako sa kanila.

——

Na sa fast food chain na kami ngayon, may pa long table si tita Miyah. Kami lang actually ang nandito, hindi ko rin alam kung bakit. Si tito Mike na ang umorder at nakaupo na kami sa nga upuan namin.

Long table. Katabi ko si Iris sa kanan at si Alicia sa kaliwa. Nagkekwentuhan silang dalawa about sa kumakalat na issue ng isang kilalang artista sa ibang bansa. Katabi ni Iris si Lance at Sprencer. Si Iann katapat ni Alicia habang katapat ko si Matthew at katabi niya si Kevin na parang bad moon sa binabasa niya. Si Matthew at Iann naman magkausap about yata sa kung sinong magdadrive mamaya.



Habang ako, hinihintay ang pagkain. Si tita Miyah kasi may kausap sa phone at medyo lumayo sa amin. Maya-maya pa, biglang lumapit si tita Miyah.


“Third batch, I know that you're oriented na about sa vlogging ng Project Dream right?” She told us as we nodded. I suddenly feel excited.


“Since we already vlogged about the third batch which is maya-maya pa maiuupload. Nandoon lahat ng paghihirap niyo just to be in this group, also ang position niyo sa group. Now, alam niyo na rin naman na ang channel natin ay mayroong eight million subscribers and ang channel na Project Dream ay kumikita na since 1990, 'di ba?” We nodded. I looked at them, they look excited too. While si Iris ay nakahawak sa kamay ko, pati na rin si Alicia. Halatang excited din sila.


“Now, you're going to film your first trip as a group. I know you can do that, lalo na't nandito si Sprencer at Matthew to guide you. Right, boys?” I literally realized that Sprencer is a vlogger. Si Matthew ang leader namin, so technically. Siya ang spokesperson or ang intro namin. Bakit ko alam?

Nasabi ko na bang isa akong taga supporta ng project dream simula ng ipinanganak ako? Project Dream, sila yung numero unong channel na talagang nagpasaya at nagpainspire sa akin noon.
Kaya nga masaya akong nakapasok ako at nandito ang mga iniidolo ko, like tita Miyah.


“I know you understand what I am saying. Goodluck, guys!” Sabi ni tita Miyah at binigay sa amin ang dalawang camera. Yung isa ay DSLR at yung isa ay vlogging camera talaga.


“Oh. My. Golly!” Alicia stood up as tita Miyah handed her the DSLR and the vlogging camera. Siya ang mas malapit, e'.

“Iris, do you feel me?” I asked my seatmate kanina pa.


“Of course, jusko. My dream is not a dream anymore!” Malakas na sabi ni Iris.

Tinignan ko sila Sprencer, Iann, Matthew, Kevin at Lance. Hawak ni Matthew ang DSLR habang si Sprencer naman ay kinakausap siya.


“Magsstart na tayo magvlog?” Excited na tanong ni Lance. Ay wow, talagang lahat kami excited.


“Yes, you guys? Are you ready?” Matthew asked us while he's smiling, ear to ear.


“Oo naman!” I said.


“Pangarap ko rin 'to noon, kahit nanay ko ang nag-iisang Gaeia Frastia, ano.” Sabi ni Matthew at sinet up na ang camera.


“I need exposure. I'm the most handsome, so techinacalamity I'll be your front lining!” Si Kevin.


“Mag-eenglish na nga lang, kasinungalingan pa. Jusko!” Kunyaring stress ko na sabi habang nakahawak sa sentido ko.


“You ah! You're a bullyer ah! Matthew, look what Leoris did to my heart!” Sumbong ni Kevin with matching fake broken heart na sign sa kamay niya.


“Actually, its true. Don't speak english if you'll just speak the bad lies.” Sabi ni Matthew na nagpatawa sa aming lahat. Si Kevin, mukhang inaapi.


“Sprencer, kampihan mo naman ako! Lance, Iann, help.” Nakakaawang litanya niya sa mga kaibigan niya.

“Kila Iris at Alicia ka magpatulong, gutom na 'ko.” Tinatamad na sabi ni Iann habang nakapout at mukhang natatawa.


“Ayoko nga, kalahi rin ng mga 'yan si Leoris, e'!” Sabi ni Kevin.


“Aba, Kevin. 'Wag na 'wag mo akong ikukumpara kahit kanino. Pero parang gano'n na nga.” Sabi ni Alicia.


“Nako, Kevin. Mamaya uupakan kana namin.” Sabi ni Iris.


“No, my handsome face is going to be damaged, omg.” Sabi ni Kevin.


“Tigilan niyo na 'yan, kumain na muna tayo. Alam naman nating lahat na ako ang pinaka pogi rito, e'.” Sabay hawi ng buhok si Sprencer.


“No offense, pre. Pero mas gwapo pa 'yata ako sa inyong lahat.” Sabi ko.


“Hay nako, tama na 'yan. Seryosohin niyo kaya yung kagwapuhan ko.” Sabi ni Lance na parang nahihiya pa.


“Ano ba 'yan guys, kanina ako lang concerted dito, e'. Nahawa na ba kayo sa aking handsomeness?” Stress na pagkasabi ni Kevin.


“Let's eat, mamaya na natin pag-usapan na ako ang pinaka pogi rito sa grupo natin kapag natapos na tayong kumain.” Sabi ni Matthew na hinanda na ang mga plato.


“Aba!” Sabay-sabay naming sabi. Oo, kaming pito.


“Third batch, nandito na ang pagkain. Mamaya niyo na pagtaluhan 'yan sa vlog ng makita ng viewers ang kagwapuhan niyong lahat. Jusko, pati sila Leoris, Iris at Alicia nadadamay.” Natatawang sabi ni tito Mike. We surrendered dahil nandiyan na ang pagkain, at talagang gutom na kami.



Habang kumakain bigla akong napaisip,


“Bakit ba natin pinagtaluhan ang pinaka gwapo sa grupo natin, e' ako naman ang pinakamaganda?” I asked them in the middle of eating session.


“Jusko, Leoris. Kumain ka ng marami, gutom lang 'yan.” Sabi ni Kevin na tinawanan lang naming lahat.







———————

Thank you for reading, vote and comment! Try to guess what are the next happenings.
Oha. Daily updates, ehem.

Juskoness kayo, Project Dream third batch.

03/22/19

The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon