Chapter 17

75 3 0
                                        

-Chapter 17-
Leoris;

“Susunduin pa natin sina Kevin at Iann sa kanila, sabi ni tita Miyah tayo na lang raw, e'.” Sabi ni Iris na katabi ko ngayon sa van. Yes, maghihiking na kami. Semestral Break naman na, e'. Ang wala pa sa van ay si Kevin at Iann.




Its 8:00 PM in the evening, may driver na hinire yata nila tita Miyah which is from Travel Now Asia pero sabi nila sponsored daw kami ng Travel Now Asia, oha! 'Yon ang sabi nila. Katabi ng  driver namin si Matthew, si Sprencer at Lance gano'n pa rin. Ang balak nila ay hilahin ang extra na upuan roon sa likod at doon paupuin si Iann. 2 days and 1 night kami roon.



“Anong oras daw tayo makakarating doon?” Tanong ko sa kanilang lahat pero nakatingin ako kay Matthew kasi malamang siya ang may alam.






“Ten hours ang travel natin maybe kapag natraffic eleven hours gano'n.” Sabi ni Matthew.





“Saan tayo papunta ngayon?” Tanong ni Alicia na nag-aayos ulit ng buhok, si Iris naman ay nagcecellphone may kachat yata. Si Sprencer yata natutulog at si Lance tahimik lang na tinatanaw ang daan.






“Kila Iann muna tayo, na sa labas na raw siya.” Sabi naman ni Matthew na nakatingin sa cellphone niya.






“Magvvlog tayo hindi ba? Dala niyo?” Tanong ko at umayos ng upo. Tumango si Iris at itinago na ang phone, binuksan niya ang ilaw sa gitna namin si Alicia naman umayos din ng upo, binigay sa akin ni Matthew ang vlogging camera.





“Hello guys, welcome back to our channel. Its already 7 in the evening and yes... We're now heading to Iann's house to pick him up, also mamaya si Kevin. Thank you nga po pala sa nga nagcongratulate sa amin last time na nagvlog kami about our performance!” Sabi ko at itinapat kina Iris ang camera, nagsalita naman siya.





“This time that we're traveling, may kasama kaming special person. Yes! Siya ay si kuya JV from Travel Now Asia,” She paused and I handed her the camera para tapatan si kuya JV na ngayon ay nakangiti sa camera, sakto at traffic.






“Kuya JV, saan ba tayo ngayon?” Tanong ni Iris,






“We're going to Cordillera sa Sagada!” Masayang sabi ni kuya JV. Kinuha ni Alicia ang camera after that,





“My beauty needs exposure, girls. I'm just kidding, wait guys look at this.” She stood up, smirking and she pointed the camera to Sprencer's face. Nagpipigil ako ng tawa, si Lance natatawa rin. Tumutulo kasi ang laway ni Sprencer.






“Look at this horrible sleep maniac. So gross,” Tinapik niya si Sprencer at nagising naman itong namumunghay ang mga mata.






“You're drooling, moron. Caught on cam.” Tumatawang sabi ni Alicia, hindi ko na napigilan ang tawa ko.







Tumigil sa takbo ang van namin, bigla nagsalita si Matthew dahil magtatanong na rin sana si Iris.







“Tulungan ko lang si Iann maglakad.” Sabi niya, tinawanan lang namin siya.






Nagvlog lang kami ng vlog at dumating na si Iann, ngayon hawak niya ang camera at nagkwento about sa basketball competition noong nakaraan kasama si Sprencer, Lance , Kevin and Of course, siya. Si Matthew kasi pansin namin, hindi siya sporty masyado. Pero sa acads, sobrang focus niya.









“Papunta na kami ngayon sa bahay ni Kevin, and after that? Diretso na kami Cordillera.” Sabi ni Lance na sumingit sa camera na hawak ni Iann. Napansin ko, habang tumatagal mas nagiging komportable si Lance sa amin, and tahimik pa rin siya. Siguro gano'n talaga siya.








The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon