Chapter 7

123 7 6
                                    

-Chapter 7-
Leoris;



“Yes naman! Finally.” Iris mumbled and breathe deeply. I yawn, naantok pa yata ako pero push!



“Girls, mauna na kayo roon sa pampang kami na bahala sa nga gamit natin. Lahat naman 'to e' dry bag 'di ba?” Tanong ni Matthew. Tumango kaming tatlo, si Iris picture na ng picture. Si Alicia naman may ka tawag nanaman yata.


“Girls, nasaan na ang lima?” Tanong ni tito Mike. Na kita ko si tita Miyah na nagtatanong sa parang table doon kung saan nakapaskil ang mga plato gano'n, mga souvenirs yata.




“Na sa sasakyan pa po, sila raw po ang maghibitbit ng mga gamit, e'. ” Sagot ni Iris habang nalilibang ako sa pagmamasid. Nakita ko rin sa malapit ang mga bangka, natatanaw ko na rin ang Fortune Island. Ang sabi kasi nila roon pa raw 'yon.

Si tito Mike naman pumunta sa Van namin at chineck siguro ang boys.
Tinext ko muna ang kuya Nash. Sinabi kong malapit na kami.


Nagpicture na rin ako, ang ganda kasi kahit dito pa lang, e'. May bag akong dala, maliit na bag. Kung saan nagkasya ang vlogging camera na ibinigay sa amin. Nilapitan ko si Iris,


“Iris, magvlog kaya tayo?” Tanong ko sa kaniya habang busy siyang nagpipicture kay Alicia na pinatay na ang tawag magmula noong kinausap kami ng tito Mike.


Tumingin siya sa akin at ngumiti, “Sure! Alicia, tara ritoooo! Vlog tayo.” Hila ni Iris kay Alicia na nagseselfie sa tapat ng araw. Sunkissed daw.



I opened the camera, sabi nila waterproof din daw ito. Bago ko ibunukas ang camera, sinabihan kami ni tita Miyah na pupunta na kami sa bangka. Nakasuot kami ng sandals sa paa, kung saan 'yon talaga ang sinusuot.


Excited kaming naglakad papunta sa bangka. Ngayon, natatapakan na namin ang mainit na buhangin.



I turn on the camera at ibinigay kay Iris habang nagkacountdown. Noong una medyo nagulat siya, pero kalaunan kumalma rin at kinompose ang sarili niya habang naglalakad kami. Napaggigitnaan namin si Iris, kami ni Alicia sa magkabilang dulo habang naglalakad sa initan.


“Right now, wala pa kami sa Fortune Island pero papunta na kami sa bangka!” Excited na sabi ni Iris. Inilipat niya ang camera kay Alicia.



“The boys are still in the van, they are the ones who'll bring our bags. So don't ask because those annoying mammals are—hindi ko alam, basta annoying sila.” Umiirap na sabi niya na tinawanan ko. Napangiti lang si Iris.


“Kalma lang, Alicia.” Sabi ni Iris. At ibinigay sa akin ang camera, I smiled.



“Hello guys, Leoris here! Sinusundan po namin ngayon ang the gorgeous tita Miyah na papunta sa bangka na sasakyan namin.” At itinapat ko ang camera sa harap namin kung saan nandoon si tita Miyah. Lumingon siya at kumaway. Papalapit na kami sa bangka ng nakita namin ang boys sa aming likod na bitbit ang mga bag namin habang tumatakbo.



“Look at those annoying mammals.” Bulong ni Alicia, “Hoy! Yung mga bags namin ingatan niyo!” Sigaw niya, para kasing naglalaro ang lima, e'. Feeling ko talaga si Lance lang ang mabait sa kanila, habang si Matthew naman naglalakad lang din sa gilid ni Lance, tatlo lang ang naghahabulan. Sila Iann, Kevin, at Sprencer.
Itinapat ko sakanila ang camera.




“Nakikita niyo po ba 'yan? 'Yang mga mukhang 'yan, nakakaloka.” Sabi ko habang nakatapat sakanila ang camera. Nilingon ni Sprencer ang camera at tinuro kila Kevin at Iann. Nagulat kaming tatlo noong papalapit na sila sa amin.



The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon