-Chapter 21-
Leoris;“Papa, are you really sure na isasama ko si kuys Nash mamaya? What if may pupuntahan pala 'tong importante sa susunod na dalawang araw?” Sabi ko kay papa while he's looking at me.
“Leoris, wala akong gagawin sa next two days. Isa pa, I insist. Its for you naman, e'. I want to spend more time with you na rin, pakiramdam ko nilalayo kana sa akin ng Project Dream mo, how about me?” Umarteng nasasaktan ang kuya, tinignan ko siya ng masama.
“You know your situation, sa tingin mo papayagan kitang mag-isa sa ibang bansa?” Sabi ni papa. Napayuko nalang ako.
“Okay po, papa. Its just that, nakakahiya kay kuya.” Sabi ko.
“He already insisted. Leoris, look. I can't just let you go to Paris na ikaw lang sa situation mo ngayon. You also told me that they don't know anything about your situation. You have to take care of yourself and your kuya Nash wanted to spend time with you na rin. Come on.” Sabi ni papa ng mahinahon. I nodded and hugged him nalang.
“I understand papa, stay strong pa. I love you, I think we gotta go.” Sabi ko at tinignan ang orasan sa pader. Its already five in the afternoon and pupunta pa kaming airport. 6:00 PM ang usapan. Alam nilang kasama ko ang kuya at okay lang naman daw 'yon kahit hindi pa nila alam ang dahilan.
Umalis na kami gamit ang sasakyan ng kuya na ipapark niya nalang doon. Binuksan ko ang radio at namili ng tamang kanta sa tamang vibe at feels na nararamdaman ko ngayon.
Umayos na ako ng medyo higang posisyon dito sa shotgun seat.Nagchat ako sa GC ng Project Dream na paalis na kami at ang iba, sobrang excited nandoon na. Katulad ni Sprencer at Lance, isama mo na si Iris na stress na stress sa dalawa.
Napangiti nalang ako.“Tulog muna ako kuya, medyo nahihilo ako e'.” Sabi ko.
“Tama 'yan, teka nadala mo ba?” Tanong ni kuya, um-oo nalang ako sa kaniya at tuluyan ng nagpakain sa antok.
_____
“Mahal na prinsesa, gising na. Lilipad na po ang bangka. Nako talaga, couz.” Tapik sa akin ng kuya Nash.
“Ha? Tara na kuya, anong oras na.” Malapit na kasing mag 6:00PM. Nandito na rin kami sa parking lot ng Airport and si kuya Nash ay lumabas na ng sasakyan at nilabas na ang mga gamit namin. Lumabas na rin ako ng sasakyan at kinuha ang gamit ko.
Naglakad na kami papunta sa designated waiting area ng airport kung saan nandoon ko nakita ang pito na grabe, ang tataray ng mga damitan. Parang game na game na sa France, e'. Napatawa ako at tinuro ang pito sa kuya Nash. Napailing na lang siya habang ngumingiti.
“Piatos mo, Kevs oh!” Turo ni Sprencer sa akin at kinalabit pa si Kevin. Noong nakalapit na kami, inapir-an ko silang lahat at tinanguan lang si Kevin na nagpout. Tumawa ako at inapir-an siya. Tinignan ko si kuya Nash na nakatingin kay Iris na nakatingin sa akin at nakangiti.
Nakangiti ang kuya, pero kita ko yung pagkamiss sa mata niya. Agad naman siyang lumingon sa akin. At masayang tumango para bang sinasabi na ayos lang siya. Ang kuya Nash talaga, ako ang nasasaktan sa kaniya. Alam ko ang nararamdaman niya. Sa lahi kasi namin? Isang tao lang minamahal sa buong buhay namin. Sobra, sobra. Kaya alam ko ang nararamdaman niya.
______
Ngayon? Na sa loob na kami ng eroplano at natutuwa talaga ako sa nga nakikita ko. Ang mga flight attendant, ang gaganda nila! Katabi ko si kuya Nash.
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Novela Juvenil"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...