Chapter 22

70 2 0
                                    

-Chapter 22-
Leoris;

"Goodmorning! Rise and shine, sun shine!" Nagising ako sa pagyugyog ni Alicia sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang bintana namin, kung saan makikita ang ganda ng Paris, France sa umaga. Tumayo ako at umupo sa isa sa tatlong mga upuan na katabi ng bintana. Narinig kong tumunog ang flush sa CR at lumabas doon ang kagigising lang na si Iris. Inunplug ko ang cellphone charger ko.

"Its already 7:00 AM, ligo muna tayo." Suhestiyon ko. Tumango sila pero maya-maya pa, biglang nakaisip si Iris ng ideya.

"Hindi ba magvvlog din tayo ngayong araw?" Tanong niya,

"Yup." Pagsangayon ni Alicia habang hinahalo ang kape niya na kinuha mula rito sa mesang na sa harap ko.

"Let's start our vlog ngayon, goodmorning ba. Na sa'yo naman ang camera, right Ali?" Sabi ni Iris na umupo ng maayos sa kama, si Alicia ay pumunta sa bag niya at hinalungkat ito. Nilabas niya ang vlogging camera at ibikigay kay Iris.

"Wait lang, ang panget ko pa. Its so early naman kasi magvlog, girl." Nagmamadaling inayos ni Alicia ang sarili niya. Tumayo sila at lumapit sa akin,

"Maganda lighting diyan." Sabi ni Iris. Umupo sila sa dalawa pang upuan katabi ko, inistart ng na sa gitna na si Iris ang camera, ngumiti kami.

"Goodmorning dreamers! Na sa Paris na kami ngayon at bumibigtime na!" Sabi ni Iris, tumayo muna siya at nag room tour. Nagpaalam muna si Alicia na siya ang mauunang maligo, okay lang naman sa amin. Habang ipinapakita ni Iris ang painting sa taas ng kama namin, may kumatok nanaman. Nagkatinginan kami at sabi ko ako na magbubukas ulit tumango siya pero sumunod din sa akin.

"Ikaw muna magvlog, girl. Miss kana nila." Sabi niya, kinuha ko ang camera at tinutok sa akin habang binubukas ang pinto.

"Its currenty 7 in the morning and may kumakatok po sa pinto namin. Ang aga." Sabi ko tuluyan ng binukas ang pinto, bumungad sa akin ang nakangiting si kuya Nash at Sprencer.

"Ano ginagawa niyo rito? Ang aga-aga. Nagvvlog kami." Sabi ko ng nakangiti.

"May ibabalita sana kami sa'yo, mamaya na. Hello guys!" Si Sprencer, inakbayan pa ako ng tukmol.

"Oo nga pala, itong katabi niya? 'Yan ang pinsan ko. Kuya Nash, maghello ka naman sa kanila." Kumaway ako kuya Nash pero maya-maya inalis niya ang pag-akbay ni Sprencer.

"Ano oras daw tayo bababa?" Biglang nagsalita si Iris, hindi yata nila napansin na nandito si Iris sa likod ng pinto at nagccellphone. Nanlaki ang mata ni kuya Nash at biglang tumakbo at pumasok sa katabi naming pintuan. Napailing ako. Takot talaga ang kuya, jusko.

"Weird." Sabi ni Sprencer, tumingin sa amin si Sprencer at sinagot ang tanong ni Iris, "Mga 8 daw, tapos pagsapit ng 9AM aalis na tayo pupunta tayo sa isang street na puro street foods, 'yan ang sabi ni mayor Matthew. Sanay na ata 'yon dito, e'. Alam ang nga pupuntahan natin." Napakamot si Sprencer ng ulo. Natawa nalang ako.

"Sige, salamat Sprencer. Ikukumusta kita kay Alicia don't worry, maligo na rin kayo. Naamoy ko na, e'. Joke lang!" Natatawang sabi ni Iris at sinarado na ang pinto. Binuksan ko ulit ang camera at nagshoot.

______

Sabay-sabay kaming tatlo na nakapangalis na bumaba, dala ko ang medium size na color gray slim bag ko, si Alicia naman dala ang fancy hand bag niya, also Iris. Nakapangmalamig kami ngayon, dahil nga sa medyo may kalamigan talaga rito sa Paris.
Tuluyan na kaming nakababa, si Alicia ay nagvvlog pa rin at naabutan namin ang anim na lalaki sa baba na naghihintay yata talaga sa amin. Katabi kasi nitong hotel ay isang kainan, doon kami kakain. Sinulyapan ko si Kevin. Nakatingin siya sa DSLR, siguro may mga tinake na silang pictures. Nasisinigan ng araw ang mukha niya. Kahit saang anggulo, ang gwapo mo talaga, Vin. Napailing nalang ako sa naisip ko.

The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon