Chapter 11

71 4 0
                                    

-Chapter 11-
Leoris;

Its been two weeks already, and the first sem is already on its run. I'm a tourism student, and I'm on my first year.

“Leoris! Tara na, anong oras na hoy!” Hila sa akin ng bago kong kaibigan na si Faith.
Ngumiti ako sa kaniya at tinignan ang oras.  Unang subject ngayong araw.

__

PD Iris calling...

Nagtataka ko itong sinagot, katatapos lang ng second subject namin at may two hours akong bakante ngayon.

Leoris! Vacant mo?” Tanong ni Iris na halatang namimiss na ako.

“Yes, two hours vacant ko po. Bakit?” Tanong ko habang naglalakad sa corridor papunta sa canteen.



Punta ako diyan ha? Vacant ko rin for one hour, tapos si Alicia naman daw susunod na lang, na sa klase pa siya, e'.” Sabi niya.

“Sure, libre mo ako? Hehe!” Sabi ko kay Iris.

“Oo na, basta may kekwento ako sa'yo. On the way na!” Sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Si Iris kasi ay na sa Education Building ng Greek University kung saan kami nag-aaral ngayon. Kada course ay may building at sobrang laki talaga ng university na 'to. Kailangan ng mapa para makabisado ang mga pasikot-sikot.

Nakarating na ako sa canteen at may table doon sa medyo gitna na pabilog, at simula ng nagsimula ang mga klase rito na ako laging umuupo. Kung itatanong niyo kung na saan si Faith, na sa third subject na niya siguro 'yon. Hindi kasi kami sabay ng vacant, e'. Sa ngayon na wala pa akong kasama, magsusulat muna ako sa journal ko.


__

Nakangiti akong nagsusulat sa aking journal ng may humawak sa balikat ko.

“Leorisy! Girl. ” At niyakap ako ni Iris. Natatawa ko siyang niyakap pabalik.

“Ano nanamang chika mo diyan?” Naupo siya sa tabi ko at humalukipkip muna.


“Sabi ni Sprencer magkita raw tayo mamaya kasi may balita siya sa atin. Hindi ko alam kung ano pero sasama ka ba? Four daw mamayang hapon, tapos naman na ang klase natin kapag gan'yang oras, 'di ba?” Tanong niya sa akin. Tinignan ko siya ng nagtataka.

“Saan ba raw?” Tanong ko kay Iris.

“Wait, tanongin natin siya.” At nagtype siya sa phone niya. Ako naman habang naghihintay ay nagselfie muna at ipinost sa instagram ko. Buti nalang may wifi rito. Nahawa na ako sa pagiging selfie addict ng dalawa. Si Iris at Alicia.

Tumunog ang cellphone ni Iris at sumunod na tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Sprencer at ang iba pa. Tinignan ko si Iris ng nagtataka,

“Sagutin mo muna, Leoris. Diyan nalang tayo magcall kasi magkasama naman tayo, e'.” Sabi niya at umayos ng upo at sinarado na ang cellphone niya.


Sinagot ko ang tawag, conference call yata ang tawag dito.

Hello, Leoris? Nacocontact mo ba si Iris? Hindi namin macontact, e'.” Tanong ni Iann sa kabilang linya.

“Kasama ko si Iris ngayon.” Sabi ko,

“Yes, kasama niya ako.” Sabi ni Iris.



I told you guys, ba't ba ayaw niyo imake believe na magkasama sila at papunta na ako there where they are?”  Naiinis na sambit ni Alicia sa kabilang linya.


The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon