Chapter 26

74 3 1
                                    

-Chapter 26-
Leoris;





“Kuya Nash, medyo malalate ako. Star gazing 'yon, kalma lang. Gano'n talaga.” Pagpapaliwanag ko kay kuya Nash habang nag-aayos ng bag. Yes, you've read it right. Star gazing kami ngayon. Also... May sasalubingin kami.







“Nashield, kalma ka lang nga. Matanda na 'yan, tsaka may tiwala ako sa mga batang 'yon. Uuwi rin 'yan.” Natatawa si papa sa reaction ni kuya. Masyado kasi siyang nag-aalala. Umiiling ang kuyakuya, tumayo ako niyakap siya.







“Kuya, okay lang ako okay? Kaya ko 'to. Uminom ako kanina. Calm down, hindi pa ako mawawala.” Niyakap niya ako pabalik at ngumiti sa akin.







“May tiwala ako sa'yo. Wait, dadalhin mo ang ukulele mo?” Pansin ni kuya sa bitbit kon cover ng ukulele. Tumango lang ako sa kaniya.








“Mag-iingat ka, nak.” Si papa, tumango ako at niyakap din siya. Malapit na raw kasi sila Matthew. Katext ko si Iris. Tinignan ko ang oras, 10:00 pm.








“Leoris Kaydence. Mag-iingat ka.” Tumango ako kay kuya Nash. Lalabas na sana ako ng bahay, hawak ko na ang door knob ng humarap ulit ako sa kanila at ngumiti.









“I love you papa, I love you kuya. Salamat po!” Ngiti ko at lumabas na. Saktong paglabas ko ang pagbusina ng na sa harap kong pamilyar na van.








“Tara na, Leoris!” Sigaw ni Iann mula sa shotgun seat. Nakangiti akong tumango at pumasok sa loob, una kong hinanap si Kevin na nakatingin sa labas ngayon, napangiti ako.










Pagkaupo ko sa upuan ko, binato ko sa likod ang isang clover. Natawa si Iris, meaning nagreact si Kevin. Ngumiti nalang ako.









“Vlog na!” Ngiti ko sa kanila.








_______







“Star gazing pala ha? Nandito na kami!” Sabi ni Iann sa camera. Inayos ko ang beanie ko at bumaba na rin sa Van. Na sa malabundok kami ngayon. Malayo sa busy na mundo namin noon. Malayo sa gulo, sa katotohanan. Sa lahat.








“I think, we'll just set the camera up and then wait for the stars. Hindi na natin kailangang magsalita. Pahinga na natin 'to, e'.” Tumango kami kay Matthew.








Natawa ako ng biglang nag-away si Sprencer at si Alicia sa pag gawa ng apoy sa gitna. Camp fire again, may bilog na rin doon. Nag-aagawan sila ng lighter. Biglang pumunta si Lance at inagaw ang lighter at sinindihan ang camp fire. Napakamot nalang ng ulo si Sprencer at napairap si Alicia.








Umupo ako sa gilid ng bilog, tapat ng view. The lights from the busy manila is gorgeous. Tumabi sa kabila ko si Iris, napaupo na rin sila. Hindi ko pa nasasabi sa inyo, ang van namin. Puro christmas lights kapag binuksan at nilabas namin. Ngayon, gano'n ang itsura niya. Time check 11:24 PM. Kaniya kaniya kami ng ginagawa ngayon para maglipas ang oras kasi maya-maya pa magsisilabasan ang madaming stars, pero marami na rin ngayon.
Naalala ko may ukulele pala ako, tumayo ako at binuksan ang van. Nakita ko ang ukulele sa upuan ko.









Umupo ulit ako, nagtataka sila dahil may ukulele ako.








“Marunong ka niyan, Leoris?” Tanong ni Lance. Tumango ako ng nakangiti. Oo nga pala, katabi ko si Kevin. Bakit? Gano'n ulit ang pwesto namin noong na sa Sagada kami. Inunahan na siya ng iba sa upuan nila e'.







The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon