Chapter 25

78 2 0
                                    

-Chapter 25-
Leoris;




“Kailan mo balak sabihin sa kanila?” Inaayos ko ang pagkatirintas ng buhok ko ng nagsalita si papa na katabi ko ngayon sa driver seat. Ihahatid niya ako sa school. Gan'yan siya kaprotective sa akin ngayon.






“Kanino po?”





Tinignan niya ako saglit ng parang nagtataka.






“Kila Matthew, sa mga kaibigan mo 'nak.” Napatigil ako sa paglalagay ng tinted lip balm sa maputla kong mga labi. Hindi ko naisip 'yon.








“Kailangan pa po ba nilang malaman, pa? Mawawala rin ako.” Sabi ko sa kaniya, hindi na ako nakatingin kay papa.






“Leoris, they have the rights to know what you're going through, isa pa. Hindi kita tinuruan ng gan'yan, that's kinda rude. Umayos.” Napabuntong hininga na lang ako.







“Hindi ko alam, papa. Ayoko malaman nila, ayoko silang mag-alala.”






“Iyon na nga, anak. Paano sila hindi mag-aalala kung ilang beses kang mahihimatay na hindi mo kaya pigilan? You're so pale. Allergic ka sa make-up, bawal ka no'n. How, Leoris? Tell me? Sa tingin mo ba, mapapanatag sila kapag nagsinungaling ka? Isa pa, alam ko maiintindihan ka nila. May karapatan sila malaman. Think about it, you should know that.” Seryoso niyang sabi sa akin. Tumango nalang ako.




______




Normally, ang unang subject ko ay medyo maaga. Pero ngayong tuesday, maya-maya pa ang unang subject ko. Sadyang maaga lang ako ngayon kasi si papa papasok pa sa trabahl at ayaw niya ako mag commute. Ang kuya Nash naman, pumasok na kanina bago ako magising. Graduating student, e'. Nandito ako ngayon sa study room, o tinatawag na library. Kung tatanungin niyo, sila Kevin, Alicia, Iris, Iann, Matthew at Lance sa akin. Ang sagot ko ay hindi ko alam kung na saan sila, medyo busy na rin kasi ang nga 'yon. Second year college na kasi sila, ako first year pa lang.







Sa ngayon, hihintayin ko nalang si Faith yung blockmate ko? Oo. Hintayin ko siya rito dahil siya na ang uunahin ko.








______






“Leukemia? Stage what? Why, ano nangyari sa'yo? Bakit gano'n, bakit ngayon mo lang sinabi? Wait, okay ka lang ba?” Niratrat ako ng sagot noong ikinwento ko sa kaniya. Ngayon, na sa canteen kami at hinihintay matapos ang isa pang oras ng paghihintay ng first subject.







“Kumalma ka nga muna, Faith. Unang una, please can we make this a secret muna? Ikaw pa lang sinabihan ko.” Sabi ko sa kaniya, bahagya siyang nagulat at pasigaw na yata nang tinignan ko siya ng masama, bumulong siya.







“Meaning, hindi pa alam ng squad mo?” Tumango ako. Napatampal siya sa noo niya at tumango.








“I get it. But jusko ka, ba't hindi mo masabi? Teka, hindi ka naman siguro mamamatay hindi ba?” Natigilan ako sa huling tanong niya.






“Ayoko silang mag-alala, basta ha? Pinagkakatiwalaan kita, Faith.” Nginitian ko siya, tumunog ang phone ko. Sinenyasan ko siya ng wait lang, tama na rin 'to. Ng mag sink-in sa kaniya ang mga sinabi ko.







Ninong Uno, calling...







Kunot noo ko itong sinagot.







The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon