-Chapter 9-
Leoris;I'm not really a fan of beaches, well dati.
I find the sea scary and such but I regret being scared of it right now na na kikita ko siyang ganito kaganda. Tita Miyah called our attention while the other seven are doing their thing in the water, I'm just sitting here in the sand. Looking at this peaceful place and the sunset.“Sabi na nga ba at hindi niyo mapapansin ang oras, kumain na tayo. Seven na, hindi lang halata rito mga anak.” Sabi ni tita Miyah wearing her beach dress and scarf.
Halatang pagod na pagod kaming lahat, biyahe ba naman tapos deretsong swimming.
“Wow naman! Sino po nagluto nito?” Tanong ni Kevin kay tita Miyah na kumakain din. Na sa katabing lobby kami, dito raw talaga kumakain.
“Itong adobong pusit ba? Si mang Peter, yung caretaker ng Fortune Island.” Ngiti ni tita Miyah, si tito Mike naman na ka ilang kuha na ng kanin. Ang boys na ka kamay na, si Iris at ako rin. Alicia insisted kanina, hindi niya kaya ng na ka kamay. Ayos kang naman 'yon.
Sa katunayan na pa ka laki ng lugar na ito, hindi ko nga alam kung bakit parang kami-kami lang ang nandito. Oo nga pala, ang Fortune Island ay may rock formations na kung tatawagin ayon kay tito Mike ay ang Acropolis and Grecian Pillars and Statues. May bundok na aakyatin pa namin. May cliff na pwedeng magdive, and may C.R. na hindi maayos, walang kuryente at higit sa lahat? Walang signal. Pero ano nga ba ang kakailanganin pa namin kung ganito naman ang makikita namin?
Sa totoo lang, sobrang ganda talaga ng Fortune Island. Hindi ko nga inaakalang may ganito pala talaga sa Pilipinas. Never pa kasi akong nagtravel, isa rin 'yon sa dahilan ko rin kung bakit ako napasali rito.
“Bukas natin aakyatin yung Grecian Pillars tapos tatawid tayo doon sa Acropolis, ayos lang ba? Masyado na kasing gabi ay may gagawin pa kayo mamaya.” Sabi ni tita Miyah na katatapos lang kumain.
“Sure tita, kahit kailan po basta po maakyat po namin 'yon, ang sarap po talaga ng luto niyo Mang Peter! ” Sabi ko. Ngumiti sa akin si mang Peter na nagpapakulo ng tubig gamit ang mga kahoy.
Nag-uusap ngayon si Sprencer at Alicia nagvvlog din sila, si Iris, Lance, at Matthew habang si Iann at Kevin ay tutok sa pagkain. Nagtatawanan pa yung tatlo.
Natapos na kaming kumain, nagpasalamat kami kay mang Peter kasi nilutuan niya kami, pero sabi niya gano'n naman daw talaga. Pero kami ang source nung pusit, ayon sa kaniya.
Maya-maya pa, napansin namin na dumidilim na. Ang alon, ang lakas talaga. Ang sarap sa feeling ng nandito kami sa taas tapos nakatapat sa mismong beach, nakikita ang layo sa sibilisasyon dito. Kita namin ang busy na Batangas sa dulo nito. Puro ilaw, e'.
“Ang first na gagawin niyo rito, is magtatanungan—” Tita Miyah explained.
Ang sabi niya, una raw may ibibigay siyang mga tanong kay Matthew na pagpapasa-pasahan namin ng kasagutan. Isa lang naman daw 'yon, nakabilog kami sa harap ng aming mga tent, at may camp fire sa gitna kasi kailangan namin dahil wala talagang kuryente rito, isa pa napakalamig. Sabi ni tita Miyah, after we answered the questions. Kami na raw bahala kung anong gagawin namin. Matutulog na raw sila ni tito Mike, yung kubo pala ay dalawa ang kama, kumbaga may nagseseperate kaya hindi na namin kailangan mag-alala. Tinawanan namin 'yon. Kailangan daw eight palang daw ng umaga ay gising na kami para sa umagahan. Sa huli, sinang-ayunan namin si tita Miyah.Ngayon kami-kami nalang ang nandito sa harap ng campfire. Napagdesisyonan namin na magbihis muna saglit ng panlamig na kasuotan dahil walang biro, ang lamig talaga. Kung anong init sa labas kaninang tanghali at hapon—gano'n din kalamig sa gabi, paano pa kaya sa madaling araw?
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Teen Fiction"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...