-Final-
Kevin;“Oh, alas dos na ng hapon kagigising mo lang?” Sabi ng isang pamilyar na boses sa tabi ko. Tinignan ko siya, nakangiti—pero nag-aalala ang tingin niya sa akin.
“Okay ka lang ba, Love?” Pagtatanong niya habang yumayakap sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago, nanganak na lahat lahat ang sexy at mas gumanda pa rin.
“Napaginipan ko nanaman, Love.” Niyakap ko siya pabalik,
“Papaaaaaaaa! Si ate Elise inaasar ako!” May tumakbo mula sa pintuan, our nine yearsold Leona.
“'Wag ka papatalo, anak! Asarin mo rin!” Tawang tawa 'tong katabi ko na kinokonsinte ang anak niya. Napatitig nalang ako sa kaniya.
It was just a dream. A dream, or should I say a nightmare. She's alive, my love is alive.
“Oh? Natameme ka diyan, gusto mo Clover nanaman?” Natatawa niyang sabi.
Napangiti ako ng bumalik ang mga ala-ala ko noong gabing 'yon,
_____________________
“Y-yung asawa k-ko! Manganganak na! Ano ba? Dalian niyo naman oh!” Sigaw ako ng sigaw sa loob ng ambulansya. Its been a year after my graduation day, its been a year na rin noong nilayasan na ng cancer cells ang katawan ni Leoris. Yes, she did it. I'm so proud of her, isa siya sa nakaligtas. Nagawa niya ang pangako niya sa mama niya.
“Please, Leoris! Hold on, okay? Mapapatay ko talaga driver nito kung hindi bibilisan!” Sigaw na ako ng sigaw rito!
"I-I love you so much, p-please be happy for me. T-take c-care, I- I will m-miss you, C-Clover k-ko. M-Mahal na m-mahal k-kita." Nanghihina niyang sabi. Hindi na napigilan ng mga mata ko ang mga luha na kanina pa gustong lumabas.
“No! Ba't ka ba nagdadrama diyan? Manganganak ka okay? Anong I will miss you? Hindi pwede! Nalabanan mo ang cancer, hindi pa ito ang huli okay? Mahal na mahal kita. Our daughter for sure wants to meet and grow up with you! Love, laban okay?” Umiiyak kong litanya.
_____
“Leona Kathleen Sattuva Sanchez, bagay na bagay.” Sabi ng pinakamatapang na babae para sa akin sa harap ko ngayon habang nakahiga at pinagmamasdan niya ang bagong silang namin na anak.
“Nagdadrama ka pa kahapon, alam mo bang kinabahan ako ha?” Pagsasabi ko sa kaniya. Natatawa lang siyang niyayakap ang baby, baby namin.
“Kamukha ko siya, Vin. Yung mata niya tsaka ilong, sa akin.” Sabi niya. Wala naman akong angal doon, dahil totoo naman.
_____________________
"Still dreaming, Love? Ano na? Papasok ka pa ba or what? Oo nga pala, Love. May flight kami ngayon, two days lang naman then magkakaroon ako ng three months na leave from work. Kung gusto mo lang naman, dalhin natin si Leona sa Fortune kasama ng ate Elise niya?” Tanong niya sa akin.
“Maganda 'yan, Love. Nang makita ni Leona kung saan nagmula ang Project Dream, sa tingin mo ba sasama sila Matt?” Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga anak namin sa harap ng pinto ng aming kwarto. Naghahampasan sila ng unan. Natawa nalang kami ni Rissy sa nakita.
“Yup, sila po kaya ang nagsuggest, Clover ka talaga.” Sabi niya. Napailing nalang ako.
“Mag-iingat ka sa biyahe mo ha? See you sa next two days.” Niyakap ko siya.
“Of course. I love you, Love.” Niyakap niya ako pabalik.
“You know that I love you more, kahit maliit ka.” Binatukan niya ako pero tumawa rin.
“Hanggang ngayon talaga?! Walang'ya ka!” At nagtawanan na lang kami muna bago sumabak sa trabaho namin.
Yes, its just a dream. I'm glad that its just a dream.
I never knew that I would be amazed and be like adoring someone more than my mom for the rest of my life, and then Leoris came. She did her best. She's now a flight attendant, a wife, a loving mother of two and a cancer survivor speaker.
She's the strongest woman I know. One of the things that made me love her more.
“Papa, Mama si Leona inaasar nanaman ako kay Ryan!” Naiinis na sabi ni Elise.
“Asarin mo pabalik anak! Walang magpapatalo sa inyo hanggang hindi ka umaamin na gusto mo si Ryan!” Natatawang sigaw ni Leoris. Napakamot na lang ako sa batok, ganito niya kamahal ang mga anak namin.
“Pati ba naman po ikaw mama! Papa si Mama oh!” Sumbong sa akin ni Elise.
“Totoo naman anak, tsaka si Mama mo na ang nagsabi.” Natatawa kong sabi, nginisian ako ni Leoris.
“Ate Elise, na sa baba raw ng bahay si kuya Ryan!” Matinis na sigaw ni Leona.
“Bakit nandito 'yan?! Teka, magbibihis ako ng maayos! Teka lang kamo! Mukha pa akong bagong gising!” Natatarantang sigaw ni Elise.
“Tignan mo 'tong anak natin, ayaw pa umamin.” Naiiling na sabi ni Leoris.
“Mana sa'yo, e'. Balak mo pang hindi sabihin sa amin noon na may Leukaemia ka ha.” Sabi ko, sinamaan niya ako ng tingin.
“Joke lang, Love. Piatos you want?” Kinakabahan kong sabi. Natawa ako ng kuminang ang mga mata niya.
“Saan na Piatos ko Love? Hehe.” Nakangiti niyang tanong sa harap ko.
Kahit kailan talaga, may anak na lahat-lahat Piatos pa rin ang inaalala.
“Piatos mama? Saan po?” Dagdag pa ni Leona. Mag-ina talaga.
“Kevin, wake up.” And then again, it was all just a dream.
“She's dead, tanggapin mo na pre. Wala na siya, okay? Ilang taon mo na ulit siyang napapaginipan. ” Yes, right Sprencer.
Another dream, a beautiful dream faces the hurtful reality.
______________CLOSED BOOK____________
Epilogue
Thank you all so much.
BINABASA MO ANG
The Flight Of Leoris
Teenfikce"Fly high, enjoy the sky." For her, life is not all about grabbing the opportunities. For her, life is all about being happy and contented as she make the best of it. Or is it? Welcome to her journey-to their journey. How about reaching your dre...