Chapter 15

87 4 0
                                    

-Chapter 15-
Leoris;







“Navlog namin yung performance niyo kanina tsaka yung practice, baka bukas mapublish na sa YouTube 'yon.”  Sabi ni Iann habang nagdadrive siya ng van, papunta na kami ng Jollibee ngayon, ang tita Gaeia na sa trabaho na ulit, kaming walo? Nagpapahinga kasi sasabak kami sa kainan maya-maya.







“Hindi ko talaga ineexpect na mananalo kayo, lalo na't nand'yan si Leoris.” Nang-aasar na sabi ni Kevin, nilingon ko siya.









“Kung hindi lang maganda ang mood ko, nako. Sarap mo itapon sa bangin ng walang hanggan.” Sabi ko.







“Kalma lang, Ris! Masyadong pagod ba? Ikain nalang natin 'yan.” Natatawang sabi ni Sprencer, nagtatawanan ang dalawang babae at si Matthew at Iann ay nagkekwentuhan about yata sa susunod na pupuntahan namin?









“Sa semestral break ba?” Tanong ni Matthew,







“Sabi ni tito Mike, oo raw. Tapos tayo nalang ang nandoon, hindi na tayo sasamahan pero bibigyan daw tayo ng instructions. Ewan ko lang kung ilang araw at gabi.” Sabi ni Iann.









“Teka, malapit na pala semestral break ano?” Sabi ni Iris.









“Yup, for sure hiking naman tayo.” Sabi ni Matthew.









“Paano mo po na sabi?” Tanong ko, minsan talaga habit ko na ang mag po kapag trip or bigla nalang lumalabas sa bibig ko.








“Sabi ni mama after daw ng sea, mountain, and then after moutain... Air. So sa susunod, siguro pupunta tayo sa ibang bansa.” Tinatamad na sabi ni Matthew habang nakatingin sa labas.








“Ibang bansa?” Tanong ni Lance.








“T-talaga? Edi sasakay tayo ng airplane?!” Excited na tanong ko, tinignan ako nila Iris.








“Oo, gano'n naman daw talaga ” Sabi ni Matthew.




“Yehey! Sana malapit na 'yon!” At nagsimula na akong managinip ng gising.




____

“Tara na! Gutom na gutom na ako!” Ang bilis bumaba ni Iann sa van, napailing nalang si Matthew at sumunod, hawak nila ang pera.




“Let's go, Jollibee!” Si Sprencer, tumakbo palabas sila Alicia, Iris, Lance at Sprencer. Bumaba ako at bumaba rin si Kevin.





Sumigaw bigla si Sprencer, “Huling makaupo sa table, may dare sa hiking!” Tawang tawang sigaw niya. Nagkatinginan kami ni Kevin at nagsimula na kaming tumakbo.




Noong una, naunahan niya ako, “Bagal mo naman, baby Leoris! Hahaha!” Tawa niya, binilisan ko and this time ako naman ang na sa unahan. Binelatan ko siya.




Nauna ulit siya, tawang tawa ang kupalogs.
Hindi katagalan, nakaramdam agad ako ng pagod at hingal, ba't ba kasi ang layo ng van namin? Tsaka pansin ko ang bilis ko mahingal ngayon. Nanghihina rin ako,







Tumigil ako sa pagtakbo at napaupo ng nakaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo.









“Leoris! Ayos ka lang?!” Tumakbong lumapit ulit sa akin si Kevin na nauna na kanina. Sobrang sakit talaga! Siguro dahil sa pagod. Pinilit kong tumayo habang inaaalalayan niya ako,








The Flight Of Leoris Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon