✴Prologue✴
[3rd Person Point of View]
Lumiliyab at naglalagablab ang buong gusali nang makarating sina Thomas at Jenifer kasama ang limang bata.
Hindi na nila pinalabas pa ang mga ito dahil alam na nila kung ano ang madadatnan ng mga ito sa labasan ng gusali.
Iginarahe lang nila ang kotse sa harap ng hospital pero mas malayo ito sa pinanggagalingan ng sunog. Paulit-ulit na pinaalalahanan ni Thomas ang mga bata na wag lumabas ng kotse, bago sila umalis ni Jenifer.
❇⭐❇
Nakita ni Thomas sina Scarlet at Alexander sa Medic Area na ginagamot ng mga rescue team. Dali-dali namang tumakbo papunta doon si Thomas para alamin kung ano ang nangyari.
"Letty, Diyos ko! Salamat at buhay ka. Akala ko hindi na kita maaabutan dito. Ano? May masakit ba? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalala namang tanong ni Thomas.
Inalis ni Scarlet ang oxygen mask na nakasuot sa kanya. Akala ni Thomas ay sasagutin siya nito, pero hindi.
"Alex, nasaan si Miracle? Nasaan ang anak natin?" Tanong ni Scarlet kay Alexander na ngayon ay hindi makasagot sa kanya.
Biglang tumayo si Scarlet at naglakad uli patungo sa gusali pero pinipigilan naman siya ng mga rescue team at nina Thomas.
"Hindi ko nakuha si Miracle!" Sigaw ni Alexander para mapatigil na si Scarlet.
Natulala ang babae sa sinabi ng asawa niya. Hindi nito alam kung ano ang isasagot niya at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya.
Napaluhod si Scarlet sa lupa habang umiiyak. Gusto niyang pumasok uli sa loob para kunin si Miracle pero wala na siyang lakas.
"Miracle!!! Anak ko!!!" Tanging ang pagsigaw na lang ang nagagawa ni Scarlet habang nakaluhod pa rin siya sa lupa.
Habang umiiyak at sumisigaw si Scarlet, hindi nila alam na sa hindi kalayuan ay nakatingin sa kanila si Axcel.
Kitang kita ng bata kung papaano panghinaan ng lakas ang ina. At nakita rin niya ang kanyang ama na walang nagawa habang nakatitig sa lumalaking apoy ng gusali.
Maluha-luha na rin si Axcel sa nakikita niya kaya mabilis siyang tumakbo papabalik sa kotse. Tinanong siya nina Timothy kung ano ang nangyari pero ang tanging sagot niya ay wala siyang nakita.
❄❇⭐✴⭐❇❄
Author's Note:
Annyeong everyone! Ms. Author here... 👋😁 This is now my fourth book. Pero remind ko lang po, na sub novel lang ito ng 'My Brother is My Lover'. Mga anak na po nina Scarlet at Alexander ang highlight ng book na ito.
Sana suportahan niyo rin ito tulad ng pagsuporta ninyo sa mother book niya. Thank you 💞😊💕
(Sub novel and mother book are just made up words of Ms. Author) "Hindi ko po alam kung totoo ang mga words na ginamit ko to describe this book" ✌😊Announcement:
Plagiarism is a crime! Ang lahat po ng events at sequence ng book na ito ay originally made by the author. Please respect the originality of the book.
This story is fictional and it came from the author's wide imagination. If any of the characters, sequence, settings or events are to be compared in real life, it is entirely coincidental.
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...