Chapter 40- VHS Tape

42 1 0
                                    

✴Chapter 40✴

[Lexy's Point of View]

Thank goodness it's Saturday. Makakapagpahinga ako ngayon. I'll finally have a time for myself. Makapagshopping nga at kailangan ko na rin ng new look kaya magsasalon ako ngayon.

Mabilis akong nagbihis at nag-ayos para makaalis na ako agad. Baka kasi makita pa ako ni Axcel at mapurnada pa ang pagsashopping ko.

Then the final touch para makumpleto ang looks ko ay... Ang red ribbon ko. Syempre hindi kumpleto si Lexy kung walang red ribbon na accessory.

Lumabas na ako sa kwarto ko at nagmadaling lumabas ng bahay. Pagkalabas ko sa pinto ay nakasalubong ko naman si Michelle na parang galing pa lang sa garden. Ano naman kaya ang ginawa niya doon?

Nagkatinginan lang kami sa mata bago siya umiwas at pumasok sa loob. For a minute there I thought of bringing her along with me. Bigla kasing sumagi sa isip ko na masaya sana kung may kasama akong magshopping.

It would feel great to shop with a sister. But, just like what she did, I just shruged my shoulder and head outside. Nagtaxi na lang ako para hindi na makaistorbo pa sa driver namin. Madali lang naman kasi ako eh, mga let's say 8 hours lang.

(^v^)

❇⭐❇

Nakarating na ako sa mall and the first thing that I did was to find a boutique. I'm sure maraming new arrival ngayon.

I started to go from here to there. Para na akong nag-a-island hopping, but mine was boutique hopping. Then, after kong makapagshop ay pumunta na ako sa isang salon to get my hair done.

It's not much, nagpalagay lang naman ako ng ash blond highlight sa tip ng buhok ko. 'Yun kasi ang trip kong style ngayon eh. After that, I thought of going home, but my tummy just got angry. Narealize ko na hindi pa ako kumakain, eh 12:39 na pala ng tanghali.

Pumunta na ako sa mga pinagkakainan, pero pagdating ko doon ay hindi ako makapili kung ano ang gusto kong kainan.

Is it fast food or restaurant? Kung fast food, masyadong maraming tao, tyaka hustle ang dala-dala ko. Pero kung restaurant naman, magmumukha lang akong ewan dahil wala naman akong kasamang kumain.

Napakamot na lang ako ng buhok ko dahil sa undecided state ng buhay ko.

(◎o◎;)!!!

Where's my red ribbon?! Kinapa ko uli 'yung buhok ko at wala nga 'yung red ribbon ko. Bumalik ako sa salon na pinuntahan ko kanina, pero ang sabi nila ay may kumuha na daw.

Sino naman ang magkakainteres na kunin ang red ribbon ko? Alam kong maganda 'yun, pero hindi naman siguro sila ganoon kahirap para hindi makabili ng sariling ribbon.

"Hi miss, I think this is yours" narinig kong may gwapong boses sa likuran ko kaya lumingo naman ako sa gawi niya. The first thing that I saw was my red ribbon. Tumingala ako para tingnan kung sino ang may hawak and gosh ang gwapo.

"Sa akin nga 'to. Paano ito napunta sa'yo?" Tanong ko sa kanya habang dahan-dahang kinukuha ang ribbon ko. Pahinhin effect kung baga.

"Nakita kasi kita kanina sa salon. Gusto ko rin kasi sanang magpaayos ng buhok pero as you can see, hindi ako binabagayan ng ganyang hair style. Pero gosh! Ang ganda ng hair mo girl! So pak na pak! Nakita ko na naiwan mo ito sa salon kanina, sayang bagay pa naman sa hair mo"

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon