Chapter 37- Alone Together

43 1 0
                                    

✴Chapter 37✴

[3rd Person Point of View]

"Lexy, sorry pero—"

(,,๏ //// ๏,,)

Hindi inasahan ni Lexy ang sumunod na nangyari sa kanila ni Raver. Sa isang kisap ng kanyang mata ay magkatapat na ang kanilang mga katawan habang siya ay nakasandal sa isang pader.

Nangingibabaw ang amoy ng pabango ni Raver. Habang magkalapit sila ay hindi maiwasan ni Lexy na maamoy ang pabango ng binata. Isang pabango na ngayon niya pa lamang naamoy.

"Wa-w-wala na sila" saad ni Lexy habang tumitingala para tingnan si Raver, pero nabigla ito nang makita ang kanang bahagi ng mukha ng binata habang sumisilip kung wala na talaga 'yung mga humahabol sa kanila.

Wala sa sariling napahawak sa dibdib ang dalaga at napalunok laway dahil sa hindi niya malamang dahilan ng pagtibok ng puso niya.

"Dahil kaya ito sa takot? Ano kaya ang mangyayari sa amin kapag nahuli kami ng mga lalaking 'yun?" Saad ni Lexy sa kanyang sarili. Tumingala uli siya para tingnan si Raver.

"Pero nandito naman si Raver, alam kong ligtas ako basta't nandito siya"

"Lexy..."

"Hindi niya ako pababayaan"

"Lexy...?"

"Nandito lang siya palagi"

"Lexy...?! Okay ka lang ba? Bakit ang pula-pula mo?! May masakit ba sa'yo? Naku! Hindi pwede 'to!! Lagot ako kay Ace nito!" Natatarantang saad ni Raver habang napapasabunot sa buhok dahil sa pag-aalala.

Napangiti na lang si Lexy dahil sa nakita niyang pag-aalala ni Raver.

"Okay lang ako. Me-m-medyo nainitan lang ako kanina" paliwanag ni Lexy habang nagpupunas ng pawis na kanina pa namumuo sa noo niya.

Inilabas ni Lexy ang dala niyang panyo, pero bago niya pa ito maipunas sa kanyang noo ay napatigil naman siya.

"Oh... Nakalimutan ko, sa'yo nga pala itong panyo. Hindi ko pa pala ito nababalik sa'yo since the day na pinagamit mo sa akin. You know, sa parking lot ng SU" paliwanag ni Lexy habang inilalahad kay Raver ang panyo nito.

Napatitig naman muna ang binata sa hawak ng dalaga bago niya ito kunin. Pero imbes na itago ito sa bulsa ay dahan-dahan niya itong ipinunas sa pawis ng dalaga.

"Malalagot ako kay Ace kapag ibinalik kita sa kanya ng ganyan ang lagay mo. Sorry kung kinailangan mo pang tumakbo nang nakaganyang sapatos. Pero kung hindi kasi tayo tumakbo kanina, baka kung ano pa ang mangyari sa'yo. 'Yun naman ang hindi ko hahayaang mangyari" paliwanag naman ni Raver habang patuloy lang sa pagpunas ng pawis ni Lexy.

Muling napalunok si Lexy dahil sa ginagawa ngayon sa kanya ni Raver. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang ikinikilos ng binata. Noong una niya itong makita, alam niya na agad na mapaglaro ang taong ito at hindi marunong magseryoso.

Alam niyang hindi magkakaroon ng titulo bilang Ace of Hearts si Raver kung hindi siya marunong manlinlang ng puso ng mga babae. Kahit sa parking lot ay kitang-kita niya kung papaano siya dinediskartehan ni Raver.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon