✴Chapter 66✴
[3rd Person Point of View]
Nakarating na ang magkapatid na sina Timothy at Tamara sa airport ng Korea, kasama si Ricky. Agad silang inilipat sa isang ambulansya saka ibyinahe na patungo sa Sta. Maria Hospital.
❇⭐❇
Nang makarating na sa hospital ang ambulansya ay nakahanda na at naghihintay ang mga doktor at nurse sa labas para salubungin ang kanilang importanteng pasyente.
Si Tamara at Ricky ay naiwan sa labas ng emergency room nang maipasok na doon sa loob si Timothy.
"Magiging maayos din ang kalagayan ng kuya mo"
Hindi makagalaw si Tamara sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang boses ng isang ginoo sa kanilang likuran. Si Ricky naman, na katabi lamang ni Tamara ay agad na lumingon sa likuran para makita kung sino ang nagsalita?
"Uncle? Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Ricky sa taong nasa likuran nila. Sa pagkakarinig ng sinabi ng binata ay napatingin din si Tamara sa kausap ngayon ni Ricky.
"Tito Richard... Bakit po kayo nandito?" Pagtatanong ni Tamara.
Pero bago niya sagutin ang mga tanong sa kanya ay dinala niya muna ang dalawa sa isang lugar kung saan mas makakapag-usap silang tatlo.
"Akala ko po may mission kayo? Ba't ang tagal niyo pong hindi bumalik? Tyaka ano po ang ginagawa niyo dito?" Pasunod-sunod na tanong ni Ricky sa kanyang tiyuhin.
"Ito nga ang mission ko. Sumunod ako sa Japan isang araw matapos ang paglipad ni Sir Thomas patungo doon. Dahil sa kutob ni Sir Thomas na planado ang lahat ng ito, ay kinailangan ko siyang palihim na bantayan para maiwasan ang masamang maaaring mangyari" paliwanag nito.
"Thank you po, Tito Richard. Kung hindi po dahil sa inyo, baka po nawala na ng tuluyan sa amin si Daddy. By the way, nasaan po pala siya? Sinabi sa amin ni Kuya Axcel na nakausap niya si Daddy at siya ang nagpapapunta sa amin dito" sagot naman ng dalaga habang lumilingon-lingon sa paligid at inaasahang maaninag man lang ang anino ng kanyang ama.
Dahil sa nakikitang pananabik ng dalagita ay pinasunod na niya si Tamara patungo sa kotse at pinaiwan naman si Ricky para bantayan ang kalagayan ni Timothy.
❇⭐❇
Nakarating na sina Richard at Tamara sa isang bahay. Hindi alam ni Tamara kung kaninong bahay ito kaya panay lang ang kanyang paglingon-lingon sa paligid.
"Mara..." Muling napatigil si Tamara sa kanyang paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses. Hindi niya alam kung titingala siya at titingnan ang taong iyon o mananatili lang siyang nakayuko at nakatitig sa sahig.
"Habang tumatagal, mas nakikita ko ang Mommy mo sa'yo" saad pa nito. Ramdam ni Tamara na papalapit na sa kanya ang nagsasalita.
Ang katabi niyang si Richard ay dumistansya naman kaya naiwan si Tamarang mag-isang nakatayo. Nang tuluyang makalapit ang nagsasalita sa kanya, ang tanging nakikita ni Tamara ay ang sapatos nito.
Dahan-dahang itinaas ni Tamara ang kanyang tingin patungo sa mukha ng kaharap niya. Unti-unting umagos ang luha sa mga mata ng dalaga nang kanyang masilayan ang taong kumausap sa kanya.
Magsasalita pa sana ang ginoo, pero wala nang sinayang na oras si Tamara at mahigpit na niyakap ang kanyang ama.
[Tamara's Point of View]

BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...