✴Chapter 18✴
[3rd Person Point of View]
Tatlong boutique na ang napapasukan nina Miles, Michelle, at Axcel. At sa lahat ng iyon, ang kadalasang nasisiyahan ay ang dalawang babae. Si Axcel ay wala naman talagang hilig magshopping. Pero naisip niya na oportinidad na rin ito para mas makilala pa ang dalawang dalaga.
"Girls hindi pa ba kayo napapagod?" Tanong ni Axcel sa kanila. Kanina pa kasi siya nakatayo kaya nangangalay na ngayon ang mga binti niya. Lalo na dahil sa kailangan niyang tumindig na parang babae kaya mas mahirap at mas nakakangalay para sa kanya ang palagi na lang nakatayo.
"Ate Lexy, alin ang mas maganda dito?" Tanong ni Michelle habang pinapakita kay Axcel ang dalawang dress na napupusuan nito.
Walang alam si Axcel sa mga pagkakaiba ng damit pambabae kaya hindi niya alam kung alin ang pipiliin sa dalawang dress ni Michelle.
"Sa tingin ko mas maganda ito, Rin. I like how this shows a little bit of skin but is still conservative through its design" pinupunto naman ni Miles 'yung purple off-shoulder, knee-length, flowy dress at sa likod ay criss-cross ang design ng straps mula sa maikling manggas ng off-shoulder.
Napatango na lang si Axcel mula doon sa sinabi ni Miles. Hindi niya man maintindihan ang opinyon ng dalaga, pero nang marinig niya iyon ay nakita niya ang kagandahan ng damit na tinutukoy nito.
"Okay..." Saad ni Michelle bago niya inilahad 'yung damit sa kanyang pinsan. Si Miles naman ay kwestyunableng tinitigan si Michelle na para bang naguguluhan sa ginawa nito.
"Try it, alam kong gusto mo ito. That's why it captured your eyes kanina di ba. I'll buy this one, para magkaiba naman tayo for once" paliwanag ni Michelle habang tinutukoy 'yung damit na hindi pinili ni Miles.
Napatitig si Axcel kay Michelle. Ngumiti siyang kusa nang maramdaman niya ang paggiging mapagkumbaba nito sa pinsan niya. Halata naman kasing gusto ni Miles ang damit na pinili niya, kaso nga lang ay naunahan lang siya ni Michelle na makuha ito.
Pinasukat nila kay Miles ang damit kaya naiwan naman sa labas ng fitting room sina Axcel at Michelle. Kinuha na rin ni Axcel ang pagkakataon na ito para nakausap si Michelle.
"Talagang close na close kayo ni Miles ano... M-michelle, matanong ko lang, I hope you don't mind, nakilala mo pa ba 'yung nanay ni Miles?" Napatingin naman si Michelle kay Axcel.
"Why the sudden interest Ate Lexy?" Tanong nito habang nakatitig pa rin sa kasama niya. Hindi naman maiwasan ni Axcel na manigas dahil sa biglaan niyang pagbubukas ng usapan na iyon.
"W-wa-wala lang. Nacurious lang kasi ako lalo na dahil hindi ko na rin lang naman naabutan pa ang nanay niya. Tyaka, sa tingin ko kasi parang close na close ang pamilya ninyo sa isa't-isa" pagpapalisot ni Axcel habang hindi pinahahalata ang panginginig ng boses niya.
"Oh no, actually our family wasn't even close until recently. Sabi kasi sa akin dati ni Mommy na there was once na tumakas si Auntie Rizza sa puder ni Daddy at nagpakasal siya sa boyfriend niya secretly. Dahil doon ay hindi na kinilala ni Daddy si Auntie Rizza"
"So kaya hindi kayo magkasama ni Miles na lumaki?" Tanong ni Axcel habang kumukunot ang noo dahil sa kuryosidad.
"Yup, actually noong bata ako, I thought I was all alone. Wala kasing kapatid ang Mommy ko tyaka akala ko unico ihjo rin ang Daddy ko. But not until I was 8 years old. Doon na sa akin pinakilala ni Daddy sina Auntie Rizza and Rin. Not long after that, my Mom and Auntie Rizza met an accident which led them towards their death" nakita ni Axcel ang lungkot sa mga mata ni Michelle na para bang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang insidente ng kanyang ina.

BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...