✴Chapter 8✴
[Timothy's Point of View]
❄knock knock❄
"Pasok" saad ko. Pumasok naman mula sa labas ang isang kasambahay namin.
"Siñorito, nasa baba po ang pinsan niyo. Hinihintay niya po kayo" paliwanag sa akin ng kasamabahay saka lumabas na sa kwarto ko.
Sino naman kaya ang pinsan na sinasabi ng kasambahay namin? Baka si Lexy, namomroblema na naman siguro siya kay Axcel.
Lumabas na ako sa kwarto ko para puntahan ang pinsan na sinasabi ng kasambahay namin. Pababa pa lang ako nang marinig ko na ang malakas na tunog ng CD player namin. Narinig ko na classical music ni Mozart ang tumutugtog. Sa tingin ko kilala ko na kung sino ang pinsan kong ito.
"So, ano naman ang nakain mo at bumisita ka ngayon?" Medyo malakas ang tugtog kaya hindi niya siguro ako narinig. Nakapikit lang kasi ang mga mata niya habang nakaupo siya sa sofa.
"Wala dito sina Daddy, bakit ka napunta dito?!" Medyo nilakasan ko na ang boses ko para mas marinig niya ako.
"Hindi naman sina Uncle ang ipinunta ko dito" sagot niya sa akin habang nakapikit pa rin.
"Tyaka Kuya Tim naman, tone it down would you please. Ngayon lang ako makakapagrelax" saad niya habang tumatayo na at pinatay ang pinakikinggan niya.
Isa sa mga nakaugalian ni Axcel na gawin kapag stressed out siya or bored ay ang makinig sa mga classical music. Hindi lang siya honor student, athletic pa. Kapag nawawala lang talaga siya sa sarili niya, doon siya nasasangkot sa mga gulo.
Si Axcel kasi ang isa sa mga pambato ng school. Kaya't kahit na palaging nasasangkot sa gulo ay nahihirapan pa rin ang SUBC na bitawan siya.
"So bakit ka naparito?" Tanong ko uli sa kanya. Umupo naman uli siya sa harapan ko at tinitigan ako. Isang malalim na tingin ang ibinigay niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy, napaka importante ng bagay na sasabihin niya.
"Kuya Tim, hahanapin ko si Baby Miracle" saad niya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata. Nabigla ako, dahil sa sinabi niya. It has been 14 years since the day Miracle died, pero ngayon ko lang nalaman na hindi pa pala siya sumusuko sa paghahanap.
"Bro, paano mo siya mahahanap kung matagal na siyang—"
"No Kuya Tim, may nakapagsabi sa akin na may dalawang sanggol na nabuhay sa sunog" paliwanag niya.
"Pero Bro—"
"Kuya Tim, I have never been so determined in all my life. For once, nagkaroon ako ng pag-asa na baka sakali, baka sakaling buhay ang kapatid ko" paliwanag niya sa akin. Tinitigan ko ang mga mata niya and sincerity was written all over it. Napahinga na lang ako ng malalim bago ko siya sinagot.
"So anong maitutulong ko sa'yo?" Tanong ko sa kanya. Pagkatapos ko 'yun sabihin ay nakita kong ngumiti siya sa akin. Isang ngiti na puno ng pagpaplano. Ano kaya ang gustong mangyari ni Axcel?
"Rizza Torres ang pangalan ng nurse na nakakuha sa dalawang sanggol. Kuya Tim, pwede mo po bang makuha ang mga lista at impormasyon tungkol sa lumang hospital?" Pagtatanong niya sa akin.
[Mathew's Point of View]
"Kamusta na siya?" Tanong sa akin ni Grieg. Nasa hospital kami ngayon at binabantayan si Zachary na hanggang ngayon ay hindi maigalaw ang katawan.
Pagkatapos kasi ng meeting namin noong nakaraan ay sinundan pala siya ng mga Black Knight Gang at binugbog. Zachary is more of a brain in our group kaya hindi siya masyadong magaling na makipagsuntukan.

BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Novela Juvenil"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...