✴Chapter 10✴
[Grieg's Point of View]
Nandito pa rin ako sa room kung saan nakaconfine si Zachary. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maigalaw ang kanya katawan pero mabuti naman at nakapagsasalita na rin siya.
Nagtext sa akin si Raver at sinabi niya na nagpapasundo siya sa baba ng hospital dahil marami siyang dalang gamit. Kasama niya kasi ang Mommy ni Zachary. Nagpaalam muna ako kay Zachary bago umalis, para tulungan si Raver sa baba.
Pagkarating ko sa baba ay nakita ko na marami ngang dala si Tita. Parang isang taon niya nang patitirahin dito si Zachary sa dala niyang mga damit at pagkain.
"Ang dami naman po yata nito Tita" saad ko sa kanya.
"You know me naman Grieg, I don't often trust hospital foods. I prefer only homemade dishes for Zachary to eat" paliwanag sa amin ni Tita. Napatawa na lang kami ni Raver ng kaunti saka ko kinuha ang ibang gamit na hindi na kayang bitbitin pa ni Tita.
Wala sa sarili akong napalingon sa malayo habang nakangiti pa rin. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang isang hindi kaaya-ayang tao.
Lumingon pa ako sa paligid at nakita na nagsikalat sila. Nagkukunwari na hindi ako nakikita pero ramdam ko na nagmamasid sila. Halata naman dahil pare-pareho ang mga damit nila. Lahat sila ay may nakaprint na Black Armor sa kanilang shirt. Iisa lang na grupo ang nagmamasid sa amin.
"Grieg, hindi ka pa ba papasok?" Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot sa pagmumukha ko si Raver. Mabuti na lang at hindi ko naibagsak ang hawak kong gamit.
Lumingon-lingon siya para tingnan kung ano o sino ang tinititigan ko pero pagtingin ko ay wala na ang mga iyon. Ibinalik naman sa akin ni Raver ang nagtatanong niyang titig sa akin.
❇⭐❇
Lumabas uli ako sa hospital para siguraduhin 'yung nakita ko kanina. Alam kong hindi ako niloloko ng mga mata ko. Naglakad-lakad ako papalayo doon, nagbabakasakaling makita uli ang mga taong iyon.
Nang makarating ako sa isang daan kung saan wala nang masyadong tao. Doon ko naramdaman na parang may mga yapak ng sapatos na sumusunod sa akin.
Binilisan ko ang paglalakad ko at naramdaman na binilisan din ng sumusunod sa akin ang mga yapak nito. Nang makakita ako ng oportunidad ay kinuha ko agad.
Pumunta ako sa isang maliit na daanan sa pagitan ng dalawang malaking gusali. Hinintay kong sumunod siya doon sa akin. When the timing was right, I quickly grab the guy and pushed him against the wall, then choke him with my arm.
Nagulat ako nang makita ang isang nerd na nanginginig sa takot. Wala siyang suot na black armor t-shirt so ibig sabihin ay hindi siya isa sa mga taong hinahanap ko.
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Naalala ko na nakaharang pa pala ang bisig ko sa leeg niya kaya mabilis ko naman iyong inalis.
Bakit naman kasi nandito ang nerd na ito? He's far more different than what I have expected to face right now. Hinintay ko siyang makapagsalita dahil hindi niya pa nahahabol ang hininga niya.
Nakita ko na may inilabas siyang isang red envelope mula sa bulsa niya. May tatak itong black armor kaya alam ko na kung sino ang nagpadala.
"Pinapabigay po ito ng isang lalaki. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin kabisado ang mukha. Naka maskara siya ng kausapin niya ako" pasunod-sunod niyang paliwanag sa akin, kahit hindi ko pa naman siya tinatanong. Siguro natakot siya sa ginawa ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/181302794-288-k496318.jpg)
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...