Chapter 49- The Proof

32 1 0
                                    

✴Chapter 49✴

[3rd Person Point of View]

Natapos na ang press conference nina Axcel. Gusto pa sana ng binata na makahabol sa klase, pero hindi pa rin siya pinayagan ng mga Direktor na makaalis. Sinabi nila na kailangan pa ni Axcel na malaman ang mga pamamalakad sa kumpanya.

Hindi pa man nasa tamang edad ay kailangan niya pa rin malaman kung papaano pinapatakbo ang kumpanya dahil siya na ang magmamana nito. Dapat lang na kanyang malaman kung ano ang mga pamamalakad sa kumpanya.

"Axcel, we know that you might be asking kung bakit kailangan mo na itong malaman. Ginawa na rin ito ni Timothy noong nasa edad mo siya. Lahat ng magmamana ng Aris Group ay kailangang mabigyan ng sapat na kaalaman kung papaano pinamamalakad ang kumpanya. Otherwise wala kang panghahawakan na kaalaman kapag minana mo na ang kumpanyang ito"

"Yes ihjo, kailangan mong malaman kung anu-ano ang mga business ng kumpanya niyo. At kung papaano sila pamamahalaan"

"Also, this is very essensial for you and the business. Think of this as getting to know your life time friend. Kailangan mong kilalanin ng husto para magtagal kayo"

Maraming pagpapaliwanag ang sinabi sa kanya ng bawat Direktor ng kumpanya. Lahat sila ay may kanya-kanyang paglilinaw sa kung bakit kailangan itong gawin ni Axcel.

Ang binata naman ay nakikinig lang sa mga sinasabi nilang lahat. Pero nakatuon ang kanyang pansin sa lalaking kanina pa sila sinusundan sa likuran.

Nagpaalam ang binata na magccr kaya nauna na ang mga Direktor. Nang humiwalay si Axcel sa grupo ay ramdam niyang nakasunod pa rin ang lalaki, kaya sigurado siyang siya ang puntirya nito.

Pumasok na siya sa cr at naghintay sa likuran ng pinto para sa pagpasok ng lalaking nakasunod sa kanya. Narinig na ni Axcel ang mga yapak ng paa nito, kaya naghanda na siya.

Nang makapasok ang lalaki ay agad niyang tinadyakan ang binti para mapaluhod at mabilis niyang pinilipit ang braso papunta sa likuran para hindi na makagalaw.

"Bakit mo ako sinusundan? Sinong nag-utos sa'yo na gawin ito?" Galit na tanong ni Axcel sa lalaking kanyang hinahawakan.

"Sir! Wala po akong ginagawang masama!" Sigaw ng lalaki habang iniinda ang sakit.

Mabilis itong binitawan ni Axcel nang marinig ang paliwanag ng lalaki. Tumakbo na ito palabas ng cr, pero may nahulog na bagay sa sahig nang papalabas ito. Tumayo naman si Axcel at pinulot ang bagay na 'yun.

Isang bracelet ang kanyang pinulot sa sahig. Tiningnan niya ito at mukhang ordinaryo lang na bracelet, pero nagulat siya nang bigla itong tumunog nang kanyang mapindot ang isa sa mga beads.

Ang bracelet ay isa palang recorder na kanina pa narerecord ang pag-uusap nila ng mga Direktor. Hindi siya makapaniwala na sa kanyang unang pagpasok sa kumpanya ay agad nang gumagalaw ang kalaban.

Hindi niya inaasahan na ganito kaagresibo ang kinakaharap niya. Ngayon alam na niyang gusto siya nitong mahawakan sa leeg para hindi siya makagalaw. Ngayon pa lang ay tinatangka na nitong ipasailamlim si Axcel sa kanyang anino.

Pero hindi siya makapapayag sa gusto nitong mangyari. Hahanapin niya kung sino ang may pakana nito. Mas naging interesado siyang malaman ang dahilan kung bakit siya nito pinapasok sa kumpanya.

Lumabas na ang binata sa cr at nagtungo na sa kung nasaan ang Board of Directors. Naglalakad na siya nang mapatigil sa narinig niya.

"Sorry Master, nawala ko po ang recorder. Hindi ko po sinasadya, sorry po talaga Master" saad ng boses na nasa kabila ng pinto. Alam ni Axcel na ito na ang lalaking nasa harap niya kanina. Hindi niya masyadong marinig ang boses nito dahil sa kapal ng pinto, pero pinagpatuloy niya lang ang pakikinig.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon