Chapter 63- Ready Set Go!

25 1 0
                                    

✴Chapter 63✴

[Lexy's Point of View]

Papabalik na ako sa loob nang makita ko naman ang ibang mga waiter na nagsisitawanan sa labas. Nasa madilim na bahagi sila kaya hindi ko masyadong makita kung ilang sila.

Pero nakita ko ang isa sa kanila at mukhang pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya dati pa.

"Nakita niyo ba 'yung mukha niya? Para siyang lasing, ang galing talaga ni Master, naisip niya agad na mangyayari ito kaya nagawan niya agad ng paraan"

Nagulat ako sa narinig kong usapan nila. Master?! So ibig sabihin ay mga Black Knight Gang ang ibang waiters dito sa event na ito. Bakit? Para ba mabantayan ang mga galaw namin?

Alam ba ni Tito Faustino ang plano namin ni Axcel? Kung ganoon, papaano niya nalaman? Eh sa lahat ng pagpaplano namin ni Axcel sinigurado ko namang walang nakakaalam. Lalo na sa plano namin tungkol sa gabing ito.

❄poink❄

Nagulat ako nang bigla na lang ako makabangga ng isang tao. Ang sakit, ilong ko pa talaga ang nakatama.

"Mukhang malalim ang iniisip mo at hindi mo pa nakita ang kagwapuhan ko" saad ng lalaking nakabangga ko. Tumingala naman ako para makita kung sino ito, at sa ngiti pa lang ay nakilala ko agad ang lokong nasa likod ng maskara.

"Sinadya mo 'yun ano" sagot ko naman sa kanya habang tinatanggal ang maskara po para tingnan kung dumudugo ba ang ilong ko.

"Naku, nasaktan ka ba?" Natataranta niya namang tanong sa akin nang makitang hinahawakan ko ang ilong ko.

Napatingin naman ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko at siya mismo ang tumingin kung may sugat o gasgas ang mukha ko.

Hindi ko maintindihan, pero uminit bigla ang pisngi ko dahil sa pagtitig niya sa akin. Kahit na naka maskara siya ay nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. My heart fluttered because of that.

Nakita ko na parang nahalata niyang naiilang na ako kaya napatingin siya sa mga mata ko. Kaya ako naman ay nagmadaling itago ang mukha ko.

"Oh, ano na naman ba ang nagawa ko? Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Iniiwas ko ang mga mata ko sa tingin niya, pero siya itong hinahabol naman ang tingin ko.

"Sayaw na lang tayo!" Shocks! Bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko? Narinig ko kasing biglang tumugtog ang 'Canon D Major' at nagsimula na rin kasing sumayaw ang ibang tao.

Kaya hinila ko na siya papunta sa gitna ng hall. Akward man para sa akin ay sumayaw pa rin kaming dalawa.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo ng ganoon?" Mahinang tanong sa akin ni Raver.

"Shut up ang just dance" pagpapatigil ko sa kanya. Nakita ko na napangiti siya, dahil siguro alam niyang nahihiya ako sa sinabi ko kanina.

"Alam mo ba na nandito ngayon ang mga Black Knight Gang?" Tanong ko sa kanya. Buti naman at nakaisip ako ng ipapang change topic.

"Paano mo nalaman? Kanina pa namin sila nakikita na palakad-lakad dito sa hall. Hindi naman lahat ng waiter, pero ang iba sa kanila ay mga Black Knight" paliwanag niya sa akin. So hindi nga ako nagkamali.

"Pero nahihirapan kaming makikilala kung sino sila dahil parepareho ang mga mask na suot nila at hindi namin malaman agad kung sino-sino ang mga Black Knight at kung sino-sino naman ang mga ordinaryong waiter" dagdag niya pa.

"Teka, ano pala ang nangyari kay Ac—este... Axcel pala? Bakit ang aga niyang umuwi?" Tanong niya naman sa akin ngayon. Kaya pinaliwanag ko sa kaniya ang mga ginawa namin kanina.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon