✴Chapter 59✴
[Arco's Point of View]
Ano ba 'tong ginagawa ko?! Bakit ako pumasok sa ganitong sitwasyon?! Ang pinupuntirya ko lang naman talaga ay mabawi ang kapatid ko, ngayon nakapasok na naman ako sa isang sitwasyon na siguradong pagsisisihan ko sa huli.
"Bakit ba naman kasi pumayag kang makipagkita pa kay Lexy? Arco, pinairal mo na naman ang katangahan mo! Papaano na ang kapatid mo? Kapag nalaman ito ni Master, sigurado akong mawawala na talaga ng tuluyan sa'yo si Niña."
❇⭐✴Flashback✴⭐❇
"Wag niyo munang sabihin kahit kanino ang mga nangyari sa gabing ito, lalo na kay Erick at sa iba pa nating kasamahan" pag-uutos ko sa mga kasama ko ngayong gabi habang pabalik kami galing sa gubat.
"Pero Arco, kailangan natin 'tong sabihin sa kanila. Lalo na ngayong nalaman na natin kung sino ang Hidden Ace" sagot naman sa akin ni Keen.
"Ako na ang bahalang magsabi sa kanila. Pero hindi sa ngayon, basta't kung magtanong man sila, ang isasagot niyo lang ay bigla silang nawala sa gubat at hindi natin nahanap"
Hindi man sila kumbinsido sa mga sinabi ko pero alam kong susundin pa rin nila ang utos ko. Pinaliwanag ko na rin sa kanila na hindi muna ako magpapakita. Hinabilin ko muna ang lahat kay Keen dahil sa lahat ng Black Knight, siya madalas ang napagkakatiwalaan ko.
Alam kong maghahanap sila sa akin, pati na si Master. Pero kailangan ko munang dumistansya sa lahat. Lalo na ngayong alam na ni Grieg ang pagkatao ko.
❇⭐✴Kinaumagahan✴⭐❇
Kakalipat ko pa lang sa isang apartment na inuupahan ko ngayon. Wala akong sinabihan ni isa sa mga kagrupo ko kung nasaan ako ngayon para walang makasunod sa akin.
Tiningnan ko ang orasan ko at magtatanghali na. Nang lalabas na sana ako para bumili ng makakain, narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko.
Nagdalawang isip akong kunin 'yun dahil baka si Master o kaya si Grieg ang tumatawag. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko kung sakaling isa sa kanila ang makakausap ko ngayon.
Pero buti naman at si Lexy lang pala ang tumawag. Kaya sinagot ko naman siya. Magsasalita pa lang sana ako nang mabilis siyang nagsalita at agad ding binaba ang tawag.
Ang sabi niya ay magkita daw kami dahil gusto niya akong makausap. Doon pa lang ay kinutuban na ako sa kung bakit gusto niya akong makausap.
Pagkatapos ay may nakuha akong text mula sa kanya. Tinext niya sa akin kung saang mall siya naroroon. Kaya imbes na sa bilihan ng pagkain ako pumunta, eh dumiretso na ako sa mall na kinaroroonan ni Lexy.
❇⭐✴End of Flashback✴⭐❇
Ano na ang gagawin ko ngayon? Mukhang lumalambot ako kapag kasama ko si Lexy. Nasasabi ko tuloy sa kanya ang mga bagay na hindi ko dapat sabihin.
❄knock knock knock❄
Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto ko. Wala akong inaasahang bumisita sa akin dito. Sa pakakaalam ko ay walang nakakaalam ng lokasyon ko ngayon.
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Ficção Adolescente"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...