Chapter 29- Positive

77 1 0
                                        

✴Chapter 29✴

[Tamara's Point of View]

Bakit parang ang saya ngayon ni Ate Lexy? Nasa cafeteria kami ngayon at hindi ko maiwasang mapatitig kay Ate Lexy.

Palagi siyang nakangiti at napapatingin kila Michelle at Miles. Hindi katulad ng isang araw. Todo iwas pa siya sa dalawa. May nangyari kaya? Nauntog kaya si Ate Lexy kanina papunta ng cafeteria?

"Hhmmm... Parang iba ang ihip ng hangin ngayon ah" pagpaparinig ko para mahalata naman ako ni Ate Lexy.

"I couldn't agree more. Parang may kakaiba sa hangin. It looks like may halong bipolar breeze" pagdudugtong naman ni Ate sa sinabi ko.

So pati pala si Ate ay nakakahalata sa mga kilos ngayon ni Ate Lexy. Ano kaya talaga ang nangyari? I hope Ate Lexy still didn't lose that thing on top.

"I have to go girls, marami pa kasi kaming tatapusin ngayon" masayang saad ni Ate Lexy bago siya umalis nang hindi man lang maalis ang ngiti sa mga labi niya.

"What's up with her?" Tanong ni Ate nang makaalis na si Ate Lexy.

"I have no idea" sagot ko naman habang nakatitig pa rin sa pinto na nilabasan ni Ate Lexy.

❇⭐❇

Natapos na kaming kumain at sakto din dahil mamaya ay magriring na ang bell.

"Oh shoot! Nawawala si Leo!" Nagulat kami nang bigla na lang mataranta si Ate as if nawalan siya ng anak. Eh ang tinatawag niyang Leo ay 'yung paborito niyang stuffed lion key chain na isinasabit niya sa bag niya.

She's very protective with it. Kung ituring niya parang anak niya. If I know kinakausap niya pa 'yun kapag nasa loob siya ng kwarto niya.

"Saan mo last nakita?" Tanong ni Michelle na tinutulungan si Ate na maghanap. Si Miles ay sinilip ang ilalim ng mesa para makita kung nandoon si Leo. Si Ate naman ay mababali na ang leeg sa kakayuko.

"Oh my gosh! Nalaglag ko ata sa parking lot kanina nang tumakbo ako papasok sa campus" saad ni Ate bago siya tumakbo papalabas ng cafeteria.

Susunod pa sana kami sa kanya pero magriring na ang bell kaya sinabihan na kami ni Ate na pumasok na sa classroom namin at siya na lang daw ang bahala kay Leo.

[Grieg's Point of View]

Kakatapos pa lang naming kumain at papalabas na kami ngayon sa cafeteria, nang magpaalam si Raver na pupunta sa CR. Paminsan talaga hindi ko maiwasang mapaisip kung may sakit na sa bato ang lalaking 'yun. Panay na lang kasi ang pagbisita sa CR.

"Ba't ang tagal mo? Niluwa mo na ba 'yung bituka mo?" Tanong ko sa kanya nang lumabas na siya.

"May pahabol kasi, akala ko number 1 lang... May sumunod na number 2 pala" pahayag niya habang inilalahad sa amin ang kamay niya.

"Eeewww!!! Kadiribels ka naman Raver! Yucky ng ewwss! Hay... Buti na lang girl scout ako kaya palagi akong may dalang... Oh no! Asan 'yung alcohol ko?!" Sigaw ni Chie na para bang ninakawan ng bag.

"Oh my goose! Naiwan ko pala 'yun sa parking lot kanina nang gamitin ko sa sugat ko" saad niya. Tatakbo na sana siya papunta doon pero pinigilan ko siya.

I know how clumsy he is, kaya nga palagi na lang siyang nasusugatan dahil parehong kaliwa ang paa niya pati sa pagtakbo. And who knows kung ano pa ang mangyari sa kanya knowing na bakla siya. Baka bastusin pa siya ng ibang estudyante just like last time.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon