Chapter 69- HoStage

19 1 0
                                    

✴Chapter 69✴

[3rd Person Point of View]

Hanggang ngayon ay may piring pa rin ang mga mata ni Lexy. Ang kanyang bibig ay nakatape, at ang kanyang mga kamay at paa ay nakatali sa isang upuan.

Hindi alam ng dalaga kung nasaan siya, kung sino at kung ano ang mga kasama niya. Mas ikinadagdag pa ng takot niya nang marinig ang pagbukas ng pinto.

Kanina sa gubat, pabalik na sana siya nang mapahinto siya dahil sa kakaibang presensyang naramdaman niya sa likuran. Alam niya na may tao sa likuran niya kaya dahan-dahan siyang lumingon at nagulat na lang nang bigla siya nitong lagyan ng piring sa mata.

Sumigaw siya dahil sa pagkabigla kaya mabilis din siyang nilagyang ng tape sa bibig para hindi na makapag-ingay pa.

Malalakas na tao ang nagdala sa kanya. Kahit na magmalaban siya ay hindi pa rin siya nakatakas sa kanila. Tinali ng mga ito ang mga kamay at paa ni Lexy para hindi na makatakas pa.

"Lexy!!!" Narinig ng dalaga ang sigaw ng kakambal, pero wala siyang makita kaya hindi niya alam kung nasaan si Axcel ngayon.

Napatigil na lang siya at nabalot ng takot nang may marinig na malakas na pagtama ng isang bagay. Natatakot man ay pinilit pa rin ng dalaga na wag isipin ang masamang maaaring mangyari sa kanyang kakambal.

Ngayon ay nakatali na siya sa isang upuan at ang kanyang tanging mapagkakatiwalaan ay ang kanyang pandinig. Narinig niyang may mga yabag na patungo sa kanya. Huminto ito mismo sa harapan niya, at dahan-dahang tinanggal ang piring sa kanyang mga mata.

Nang maalis ito ay malabo pa rin ang paningin ni Lexy. Kaya hindi niya agad makita kung nasaan siya. Inilibot niya ang kanyang paningin.

At nang ito ay maging malinaw na para sa kanya, ay nakita niya naman si Axcel sa bandang kaliwa na nakaupo din sa isang upuan, walang malay at nakatali.

Sinubukan niyang sumigaw para humingi ng tulong, pero hindi niya magawa dahil sa nakatape ngayon ang kanyang bibig.

"Don't waste your energy, my dear. Wala rin lang na makakarinig sa'yo" saad ng isang boses. Pero ang boses na ito ay masyado nang kabisado ni Lexy. Alam niya agad kung sino ang nagsalita na 'yun.

Hindi rin nagtagal at nagising si Axcel. Ginawa niya rin ang ginawa ni Lexy, pero wala pa ring nangyari. Narinig nilang dalawa ang pagtawa ng boses na galing sa dilim kaya napatigil naman ang magkambal.

"Since you already know who I am, there's no need for me to hide in the shadows" paliwanag ng boses bago ito naglakad papalabas sa madilim na bahagi ng kwarto.

Hindi na nagulat pa ang magkambal nang makita si Faustino mula sa dilim. Naglakad ito patungo kay Lexy na ngayon ay may takip pa rin ang bibig.

Sa bawat hakbang na ginagawa ni Faustino papalapit kay Lexy, ay siya ring dumadagdag sa galit at pagkataranta ni Axcel.

Hinawakan ng ginoo ang pisngi ng dalaga at inangat ang mukha nito nang hawakan ang baba.

"You really do have your mother's eyes. Those eyes were the ones that made me fall for her" pabulong na saad ni Faustino sa dalaga.

Napatigil si Lexy dahil sa sinabi ni Faustino sa kanya. Hindi nito maintindihan ang sinasabi ng ginoo. Dahan-dahang inalis ni Faustino ang tape sa bibig ni Lexy na ngayon ay hindi na makapagsalita.

"I would have given up everything for her, even my mother's evil plan. All I wanted for her is to recognize me. Tinalikuran ko ang lahat para sa kanya, but look how I ended up killing her family"

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon