✴Chapter 1✴
[3rd Person Point of View]
❇⭐✴14 Years Later✴⭐❇
"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nagbabago Axcel? Palagi ka na lang nasasangkot sa gulo! Iyan ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Ang maging basagulero habang buhay?!" Sigaw ni Alexander habang pinangangaralan si Axcel dahil sa pinatawag na naman ng principal si Lexy para iareglo ang isang insidente sa campus.
Hindi naman sumagot si Axcel, pero matalim ang kanyang tingin sa ama. Lumaki si Axcel na rebelde sa pamilya. Simula nang mangyari ang insidente sa hospital ay wala nang magandang ginagawa si Axcel.
"Senior high student ka na. Pagkatapos ng dalawang taon ay magcacollege ka na, pero hanggang ngayon ay pambata pa rin ang asal mo!" Pagpapatuloy ni Alexander. Pinipigilan na sana siya ni Lexy, pero hindi siya nagpapaawat.
"Now I'm having second thoughts kung ipapagcollege pa kita. Dahil wala ka namang ginagawang mabuti para sa buhay mo!" Saad ni Alexander.
"Why wait for college kung kaya niyo naman akong ipatigil ngayon? 'Yan naman ang alam niyong gawin" pabulong na saad ni Axcel habang mabilis na naglakad papunta sa kwarto niya.
"Hoy! Wag mo akong tatalikuran! Hindi pa ako tapos sa'yo!!" Hahabulin pa sana ni Alexander ang nagdadabog na anak pero pinigilan na siya ni Lexy.
"Ako na po ang bahala sa kanya Daddy" paliwanag ni Lexy habang pinpaupo ang ama at pinapakalma.
Naglakad na siya papunta sa kwarto ng kakambal niya. Sa dalawang ito, mas nagmumukhang panganay si Lexy. Tuwing nasasangkot sa gulo si Axcel ay siya palagi ang sumasalo sa kakambal niya.
[Lexy's Point of View]
Ano na naman kaya ang nangyari sa Twinie kong ito? It seems like mas napapadalas ang mga gulo niya ngayon. Dati ay nasasangkot lang siya dahil sa siya ang hinahamon, ngayon siya na daw ang nanghahamon. Ano na naman kaya ang irarason niya ngayon sa akin?
Nakarating na ako sa kwarto niya. Kakatok pa lang sana ako pero nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto niya. Kanina niya pa pala ako hinihintay.
"I know you were coming, pasok" saad niya saka iniwang bukas ang pinto para makapasok ako at siya naman ay bumalik sa swivel chair niya at pinagpatuloy ang paglalaro niya sa pc.
"Okay Twinie, spill. Ano ba talaga ang nangyari kanina?" Pagsisimula ko ng tanong.
Nagbilang ako ng lima pero hindi niya ako sinagot. Oh well, he leaves me with no choice. Lumabas ako sa kwarto niya at pumasok ako sa kwarto ko. Umupo ako sa swivel chair ko at nagsimula na ring gamitin ang pc. Pagkatapos ay nagbilang uli ako.
5
.
4
.
3
.
2
.
1"Lexy, don't even think about it. Please naman, karerebuild ko pa lang ng kingdom ko, aatakihin mo na naman uli" pagmamakaawa sa akin ni Axcel.
Alam na alam ko talaga ang mga patibong sa kanya. Kaya walang natatago sa akin ang kakambal kong ito.
"Then tell me, ano ba kasing nangyari sa'yo ngayon?" Pagtatanong ko uli sa kanya.
Naglakad siya papunta sa kama ko saka humiga doon kahit hindi pa naman inaalis ang sapatos niya. Kahit kailan talaga, walang pakialam ito sa kalinisan ng paligid niya.
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...