✴Chapter 21✴
[Axcel's Point of View]
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-aayos ng sarili dahil may pupuntahan ako ngayon. Hindi pa man ako tapos magbihis nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Sino naman kaya ang tumatawag sa akin ngayon?
Kinuha ko 'yun at nakita na si Lexy pala ang tumatawag sa akin. May problema kaya sa hospital?
"Oh ano 'yun?" Sagot ko sa tawag niya.
"Can't you try to have a little respect when answering, Twinie?" Saad niya naman mula sa kabilang linya. I can sense that she's pissed, siguro dahil sa tono ng pananalita ko.
"Oh sorry, what is it Twinie... My problema ba?" Ngayon ay ginaya ko ang pananalita niya para mas lalo siyang mairita, pero ginawa ko lang 'yun para sa katuwaan. Paminsan kasi maganda sa pakiramdam na naiirita si Lexy dahil sa akin.
"Hahaha... Very funny Twinie, tumigil ka nga! Tumawag ako dahil pinapatawag ka ni Daddy" nabigla naman ako sa sinabi ni Lexy. Kagagaling ko pa lang doon at nakita ko kung papaano si Dad magreact nang makita niya ako tapos ngayon...
"Bakit daw? Akala ko ba ayaw niya akong makita" saad ko naman habang pumapamewang, as if makikita naman ni Lexy ang ginagawa ko.
"Ewan ko, wala sa akin ang brain ni Daddy. Basta pumunta ka dito ngayon din. And please, no more misunderstandings this time, you got that Twinie?" 'Yun ang huli niyang sinabi bago niya ako binabaan ng phone.
Bakit naman kaya ako pinapapunta ni Daddy? Hindi naman kaya malala talaga ang sakit niya?
(Ano ka ba naman dude! Totodasin mo na agad ang daddy mo!)
Ewan ko sa'yo! Sinabi ko lang na malala na ang sakit tapos mamamatay na agad! Kung ikaw ang todasin ko!
(Oops, hindi mo 'yan kaya. Paano mo 'yun gagawin? Tututukan mo ng baril ang ulo mo? I'm your conscience dude, you can't kill me)
Oh shut up... Hindi kita kailangan ngayon.
(Ouch! Straight to the point hurts)
❇⭐❇
Nakarating na ako sa hospital at nasa harapan na ako ng kwarto ni Dad. Hahakbang na sana ako papasok pero hindi ko alam kung bakit parang nanigas ako ng kaunti. Why am I having second thoughts?
❄knock knock knock❄
Then I managed to gather my strength and knock at the door before going in. Nakita ko sa loob sina Mommy at Lexy kasama si Daddy na parang kanina pa ako hinihintay.
"Nandito ka na pala, Anak. Your Dad want's to talk to you about something. Maiwan muna namin kayo" saad ni Mommy habang tinitingnan si Lexy as a sign na lumabas muna sila.
It's kinda awkward dahil ngayon lang kami magkakaroon ng solo time ni Daddy. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at hindi ko rin alam kung tungkol saan ang sasabihin niya.
"So how are you?" paninimula niya na sa tingin ko ay nasabi niya lang out of the blue dahil wala akong imik sa loob ng kwarto.
"Okay lang po. How about you? Kamusta naman po kayo dito?" Pagbabalik ko naman ng tanong sa kanya. Sinagot niya naman ako in a positive way pero alam ko na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon.

BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...