Chapter 6- The Past Revealed

152 1 0
                                    

✴Chapter 6✴

[Grieg's Point of View]

"Griegy, saan ka na naman pupunta?" Papalabas na sana ako nang bigla akong harangin ni Archie sa pinto.

"Not now Chie, nagmamadali ako" sagot ko naman sa kanya habang umiiwas. Ilang steps na lang sana at makakalabas na ako.

"Griegy-weggy-pooh... Alam mo namang malakas ako kay Lolo di ba. Gusto mo bang siya na ang magtanong sa'yo kung saan ka pupunta?" saad niya uli na nagpatigil naman sa akin. Wala talaga akong maitatago sa taong ito.

"Okay-okay... Sasabihin ko na. Ikaw talaga Chie, wala na lang na patawad sa lahat" sagot ko sa kanya saka sinabi na ang gagawin ko.

❇⭐❇

Nakarating na ako sa hideout namin ng Campus Aces. Actually isang arcade station ito. Nothing like a perfect hideout for guys like us. Ito ang ginawa naming hideout dahil nagbeblend in kami sa vibe ng lugar na ito.

Tyaka, ang arcade station na ito ay pinagawa ni Lolo. Nakahiligan rin kasi ni Lolo ang paglalaro noong araw. At hindi lang 'yun. Ang totoong hideout namin ay nasa ibaba ng building. Doon mayroon kaming sariling room where we can play all we want and plan our mission.

We're not secret agents or anything, we just want to have fun. Marami kasi kaming nakakasagupang ibang grupo. And most of the time ay nagkakaroon kami ng kung tawagin ay Faceoff.

It's just a LITTLE fight to know who's group is the best. For now, ang tanging grupong natitira para talunin namin ay ang Black Knight Gang.

"This better be good. Kinailangan ko pang icancel 'yung gagawin ko for today para lang sa meeting na ito" narinig ko na ang boses ni Mathew at nakita ko na siyang papunta sa tinatawag naming VR corner.

Later on, nagsidatingan na rin 'yung iba. Sinimulan namin ang meeting namin sa pagdiscuss ng mga iniutos ni Ace. Wala siya palagi sa mga meeting namin dahil ako lang naman talaga ang nakakakilala sa kanya.

Bago kami magsimula ay nilalagyan muna namin ng maliit na speaker ang pinto at pinatutugtog iyon para walang ibang makarinig ng mga pinag-uusapan namin. We can never be too sure na wala talagang nag-iispiya sa amin.

[Alexander's Point of View]

"Hello, yes. Natapos ko na ang pinapagawa mo sa aking blueprint, and I am about to mail it out to you Sir. Yes Sir, okay"

Hindi pa talaga ako tapos sa ginagawa ko pero minamadali ko na para maipadala ko na agad itong ginagawa kong blueprint ng bagong hotel.

❄knock knock❄

"Pasok" nakita ko na pumasok mula sa pinto ang isa sa mga katulong namin.

"Sir, tumatawag na naman po ang SUBC. Pinapatawag po kayo" saad ng kasambahay namin.

"Sabihin mong hindi ako makakapunta, marami akong ginagawa" sagot ko sa kanya.

"Sinabihan ko na po Sir, pero gusto ka daw po kasing makausap ng magulang ng binugbog ni Axcel" paliwanag niya uli.

"Anong binugbog? Si Axcel may binugbog?" Napatayo ako sa upuan at daling pumunta sa kotse ko para pumunta sa Stanphern University Boys' Campus.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon