Chapter 11- The Heredity

79 2 0
                                    

✴Chapter 11✴

[Grieg's Point of View]

Dalawang araw na ang nakalipas magmula noong makuha ko ang sulat mula kay Erick. Naghihintay ako ng pagkakataon na makasalubong siya sa SUBC pero walang dumarating na pagkakataon.

"Griegy, punit na ang notebook mo" nakabalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Archie. Nakasilip siya sa pinto ko habang ngakatingin sa ginagawa kong assignment.

Tumingin ako sa ginagawa ko at ikinagulat na totoo nga 'yung sinasabi ni Archie. Tatlong pages na ang nababalda ng ballpen ko dahil sa paulit-ulit kong pagsulat ng letter E.

Pumasok si Archie sa loob ng kwarto ko at umupo malapit sa akin. Hinawakan niya ako sa noo, as if tinitingnan kung may sakit ako.

"Wala ka namang lagnat. Tell me Griegy, babae ba 'yan?" Tanong niya sa akin habang tinataasan ako ng kilay. Ito talagang baklitang ito, feel na feel ang pagiging ina sa akin.

"Chie, alam mo naman na ikaw lang ang babaeng umaaligid sa akin" pabiro ko namang sagot sa kanya. Nakita ko na napatawa siya dahil sa sinabi kong iyon.

"But seriously, Griegy alam mo rin naman siguro na wala kang lusutan sa akin. I can see you, and I know you need me" saad niya habang inaayos ang mga gamit na wala sa sarili kong ginugulo kanina.

Tumayo na siya sa pagkakaupo at naglakad na papalabas ng kwarto ko. Pero bago pa man din siya tuluyang lumabas ay lumingon uli siya sa akin.

"Kung kakailanganin mo ako, you know where to find me" saad niya saka tuluyan nang umalis. Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ay maaasahan ko si Archie. Palagi siyang handang tumulong sa akin.

Pagkaalis niya ay bumalik naman ako sa iniisip ko. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko nakita si Erik at lalo na rin si Ace. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya macontact. Ngayon ko siya kailangan, ngayon pa siya mawawala sa action.

[3rd Person Point of View]

❄knock knock knock❄

"Tweenie, bumaba ka na. Mamaya darating na si Mommy. Ako na naman ang paghahanapan niya sa'yo" saad ni Lexy mula sa labas ng kwarto ni Axcel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Axcel.

Si Lexy naman ay hindi maitago ang pag-aalala sa kakambal niya dahil hindi niya ito makausap ng maayos. Kahit na anong gawin ni Lexy ay hindi niya napipilit ang kakambal na magsalita tungkol sa pinagdadaanan nito.

Narinig na ni Lexy ang kotse ng kanilang ina na ginagarahe kaya kinatok niya uli ang pinto ng kakambal. Nang wala pa ring sumagot dito ay bumaba na siya para salubungin si Scarlet.

"Hi Mommy, how's work?" Tanong ng dalaga habang sinasalubong si Scarlet. Wala namang sagot ang ina at hinanap lang si Axcel. Hindi naman malaman ni Lexy kung ano ang isasagot sa kanyang ina.

"Ma'am!! Ma'am!!! Si Sir ho!!!" Nagulat ang mag-ina nang marinig ang sumisigaw nilang kasambahay na kagagaling pa lang sa opisina ni Alexander. Hindi na nagdalawang isip pa ang mag-ina at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Alexander.

Nabigla at halos manghina si Scarlet sa nakita niyang sitwasyon ng kanyang asawa. Hindi na ito makapagsalita dahil sa paninikip ng dibdib. Hindi niya man masabi ay kita naman sa mga mata ni Alexander na sobra siyang nahihirapang makahinga.

"Tumawag kayo ng ambulansya!!!" Sigaw ni Lexy sa mga kasambahay na nag-aalala din. May isa sa kanilang mabilis na binunot ang telepono at tumawag na ng makakatulong sa kanila.

Si Scarlet naman ay lumapit sa asawa. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi rin niya alam kung papaano kakausapin si Alexander. Tanging ang paghawak ng mahigpit sa kamay ng asawa ang kanyang nagawa.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon