✴Chapter 45✴
[Grieg's Point of View]
Nakahanap kami ng mapagtataguan ni Ace. Buti naman at dumating siya kanina. Akala ko kasi katapusan ko na. Hindi ko man lang naisip na aabot ako sa ganoong sitwasyon.
"Salamat Ace, pero ba't ka bumalik?" Tanong ko sa kanya nang masigurado namin na wala na sila.
"Alam ko na kung nasaan si Lexy bago siya kinidnap" sagot niya naman sa akin habang pinapakita ang red ribbon na hawak niya. I know that Lexy loves red ribbons, pero papaano naman siya nakakasiguro na ribbon nga ito ni Lexy?
"Paano naman natin masasabing kay Lexy nga 'yan?" Tanong ko uli sa kanya. Baka naman kasi kapareho lang 'yan ng ribbon ni Lexy.
Pagkatapos ay mas inilapit niya ito sa mukha ko. Ganoon na ba talaga kalabo ang mata ko para gawin niya 'yun sa akin? Pero nang matingnan ko 'yun ng mas malapit ay doon ko nalaman na kay Lexy talaga ito.
"Lahat ng ribbon ni Lexy ay custom made. Palagi niyang pinalalagyan ng embroidered na pangalan niya sa side ang lahat ng ribbon accessoring mayroon siya. Maliit nga lang at hindi nakikita, pero 'yan lang ang palatandaan na sa kanya ito" paliwanag niya sa akin.
"So anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanya. Sigurado akong mayroon na siyang plano para mailigtas ang kakambal niya.
"Magkita-kita tayo dito ng alas otso" sagot niya sa akin bago niya ilagay uli ang cap na dala niya at umalis na.
Pamisterious effect pa, eh ako lang naman ang kasama niya. Paminsan talaga papansin din itong si Ace eh. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, sigurado akong magtatalo na kaming dalawa.
[Axcel's Point of View]
Nakarating na ako sa bahay. Bago ako umalis sa Plaza ay sinigurado ko munang ligtas na si Grieg. Buti naman at may sumundo na sa kanya kaya hindi na rin ako nabahala.
"Anak, saan ka galing?" Pagsalubong sa akin ni Mommy. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi pa siya nakakatikim ng tulog. She looked fine, but I can see that her eyes are droopy.
"Diyan lang po sa basketball court. May nagyaya po kasi sa aking maglaro" pagpapalusot ko naman. Inilagay ko na sa tabi ang bike ko at naglakad na papasok ng bahay.
"Nandyan pala si Miles. Pinapunta ko siya dahil parang bored kanina si Michelle, wala kasi kayong dalawa ng kambal mo to keep her company. Nasaan nga pala si Lexy? Hindi ko siya nakita ngayon araw ah"
"Nagshopping na naman 'yun. Don't worry Mom, tatawagan ko siya para umuwi na" sagot ko uli. I should stop lying, pero Mommy is stressed enough as it is. Hindi ko na dapat pang dagdagan ang pag-aalala niya.
Papaalis na sana si Mommy nang tumigil siya at hinarap uli ako.
"Axcel, how would you feel if the board picked you to be the next heir to the company?" Why would she ask such question? Nagulat ako sa tanong na iyon ni Mommy. Never in my life that I expected those words from her.
"That's ridiculous Mom. Si Kuya Tim ang tagapagmana, and nothing could ever change that" sagot ko sa kanya.
"Yes, that's what I thought" sagot niya, then she left. Bakit parang kakaiba ang naramdaman ko sa sinabing 'yun ni Mommy? May kakaibang nagaganap sa kumpanya.
Pumasok na ako sa loob at nakita na naglalaro sina Miles at Michelle ng chess. Lumapit ako para makita kung sino na ang mananalo. And to my great surprise, wala pang natatalo. As in wala pa talagang nababawas dahil hindi sila kumakain, or ayaw lang magpakain.
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Novela Juvenil"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...