✴Chapter 68✴
[Axcel's Point of View]
Nakita ko na si Trinity na naglalakad patungo sa amin. Naghanda na sana akong asaring siya, pero napatigil ako nang makitang titig na titig siya sa hawak niya.
"No way..." 'Yun ang mga salita na lumabas sa bibig ko habang nakikita si Trinity na namumula.
Could it be na tinamaan siya sa sinabi sa kanya ni Grieg? Iba rin talaga ang epekto ng Ace of Spades. Kahit si Ms. Minchin natamaan.
"Hoy Twinie! Ano na naman ba ang iniisip mo?" Narinig kong tanong sa akin ni Lexy.
"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"
"Well whatever it is, I'm sure it's up to no good. Isang tingin ko pa lang sa naglalakihang butas ng ilong mo, alam ko nang kakaiba na naman ang nasa isip mo"
( ̄(oo) ̄)ノ
Wala talagang nakakatakas sa mga mata ng agila kong kakambal. Kahit butas ng ilong ko dinadamay.
"Nag-aaway na naman ba kayo? Oh come on Axcel, babae ang kapatid mo, tapos pinapatulan mo. Grow up, will you?"
Tingnan mo 'to... Siya na nga ang hinintay namin, tapos siya pa ngayon ang naunang pumasok sa kotse. Paminsan talaga hindi ko maiwasang magtanong kung ano ang nakita sa kanya ni Grieg.
❇⭐✴1 Week Later✴⭐❇
Ngayon na ang araw ng Camping trip namin. Maaga pa lang ay umalis na kami dahil baka maiwanan pa kami ng mga bus.
Pagdating namin sa labas ng SU, nakita agad namin ang apat na fully air conditioned bus. Ang ibang mga estudyante naman ay nagtitipon-tipon at halata sa mga pagmumukha nila ang pananabik sa Camping.
"Rin!" Napalingon kami ni Lexy dahil sa boses ni Miles. Bakas sa pagmumukha niya ang saya nang makita niya na kasama namin si Michelle.
"Akala ko hindi ka na makakasabay sa SU Joint Camp"
"Bakit naman? Were you expecting that I won't join?" Bakit kaya parang iba ngayon ang mood ni Michelle? Sa pananalita niya parang iritado siyang makipag-usap.
"Of course not! Alam mo naman na first camping trip natin ito na magkasama" sagot naman sa kanya ni Miles.
Maya-maya pa ay nagpito na ang mga teachers, hudyat para pumasok na ang mga estudyante sa bus.
"Rin, tara na para magkatabi tayo" pagyayaya ni Michelle habang hinihila si Miles na tatawagin sana si Lexy.
Lumapit naman sa akin si Lexy habang nakatingin pa rin sa dalawa na ngayon ay pumasok na sa isang bus.
"Strange, 'asan kaya si Nitty? She never miss out on these kind of events. Ni hindi nga uso sa kanya ang salitang late eh" tanong niya sa akin habang inililibot ang tingin niya.
"Oo nga no... Baka nagbabantay pa siya sa hospital. Alam mo naman na hindi tayo pwedeng mabuko 'di ba?"
Pagkatapos kong magpaliwanag ay sabay na kaming dalawa na pumunta sa bus kung saan pumasok sina Miles.
Nakita namin na may bakante pang upuan sa tabi ni Miles, kaya doon naman umupo si Lexy. At ako naman ay umupo sa likuran nila para mas mabantayan ko sila.
Nang makapasok na ang lahat ay nagsimula na ang biyahe namin. Medyo malayo ang pupuntahan naming camping site kaya matagal kaming nakaupo sa bus.
[3rd Person Point of View]
![](https://img.wattpad.com/cover/181302794-288-k496318.jpg)
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Fiksi Remaja"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...