Chapter 55- Weird Feelings

52 1 0
                                    

✴Chapter 55✴

[Axcel's Point of View]

"Ace, dalhin na natin siya sa hospital. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya dito" paliwanag ni Raver. Pero hindi ako makapaniwala, bakit siya nandito?

"There's nothing wrong with her. Nagulat lang siya, since she almost got hit in the face" sagot naman ni Mathew na nasa tabi ni Grieg na wala sa sarili.

"Ano ba naman 'yan! May babaeng walang malay, at dalawang lalaking wala sa sarili, parang tayong dalawa na lang ang normal dito" pagbibiro ni Raver sabay tawa sa sinabi niya. Kahit kailan talaga walang kupas ang mga corny jokes ng lalaking ito.

"Anong wala sa sarili? Nag-iisip lang ako kung anong gagawin" sagot ko naman sa kanya nang matigil na siya sa kakatawa.

"So Ace, any back up plan? Pinakita mo na ang sarili mo sa buong Black Knight Gang. Hinamon mo na rin ang Master nila, I sure hope na may plano ka" tanong sa akin ni Mathew habang nilalapitan ako.

Hindi ako makasagot sa tanong niyang iyon. Actually, wala talaga akong plano. Hindi ko rin alam kung bakit ko bigla na lang inilabas ang pagkatao ko kay Arco na alam kong ngayon ay nasa kalahati na ng pagbibiyahe papunta sa Master nila.

Napuno na naman kami ng katahimika. Wala akong ibang marinig kundi ang tunog ng hangin na tumatama sa mga dahon ng kahoy at ang huni ng mga insekto sa gabi.

"Okay, Raver pahawak nga" saad ko naman habang dahan-dahang inililipat sa kamay at hita ni Raver ang wala pa rin malay na kasama namin. Saka ako tumayo at hinarap si Mathew.

"To tell you the truth, wala akong plano. Hindi ko alam kung ano ang sunod nating gagawin" I answered him with a straight face.

"What?!"

"Ssshhh, hinaan niyo naman. Kita niyong tulog 'yung tao" pagrereklamo ni Raver.

"Look, I'm trying to think okay?" 'Yun na lang ang nasagot ko sa kanya bago ako naglakad patungo kay Grieg na nakatulala pa rin sa kawalan. I crouched down para mas makausap siya ng maayos.

"Grieg, I know na hindi ka okay ngayon. But since nalaman mo na ang totoo, you have to pull yourself together. Grieg, I really need you this time Buddy. Tulungan mo naman ako oh" pagmamakaawa ko sa kanya. I know that It's a lot to take in, but I need him to be stronger than his weakness.

"Kilala mo ako, Axcel. Do you really think I'll be of any use to you right now?" Tanong niya sa akin habang nakatitig pa rin sa lupa.

"I said pull yourself together!!" Kaibigan ko si Grieg, he's probably the closest friend that I've ever had. Pero ngayon, kailangan kong maging masama sa kanya. Kwinelyuhan ko siya at niyugyok na parang laruan.

"So what kung nalaman mong si Archie at Arco ay iisa?! Ayaw mo na bang malaman kung bakit niya 'yun ginawa?!"

"Anong ibig mong sabihin?" Now I see he's drawing attention to the situation. That's it Grieg, sundan mo lang kung saan ito patungo. Binitawan ko na siya at itinayo ng dahan-dahan.

"Di ba sinabi ko sa'yo na simula noong bata pa siya ay pinagpanggap na siyang bakla para ampunin ng lolo mo? Ang taong nagpagawa noon sa kanya ay ang Master nila. Ngayon, sa tingin mo, ano ang rason kung bakit niya 'yun ginawa?" Dagdag ko pa sa kanya.

Hinintay kong magsalita si Grieg, pero ang sumabat naman sa usapan ay si Mathew.

"Actually, I think I need to say something about this issue" pagsisimula niya. Kaya kami naman ni Grieg ay natuon ang panin sa kanya.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon