✴Chapter 2✴
[Lexy's Point of View]
Ngayong araw ang intrams namin. One week na magkakaroon ng pagkakataon na magmerge ang dalawang campus. Ang tawag sa one week na ito ay Campus Encounter. This time, ang mga babae ang lilipat ng campus dahil last year ay mga lalaki ang lumipat.
Stanphern University is divided into two campuses. Ito ay ang Girls' Campus at ang Boys' Campus.
"Twinie ready ka na ba? Ano nga pala ang sports na sasalihan mo ngayon?" Tanong ko kay Axcel nang pumasok ako sa kwarto niya.
"Lexxyy!! Hindi ka ba marunong kumatok?" Sigaw niya naman sa akin. Hindi pa kasi siya tapos magbihis.
"Asus! Para namang hindi ko pa iyan nakita. Tyaka wala naman talagang makikita dyan eh, ang liit-liit" sagot ko sa kanya.
"Anong maliit?" Tanong niya uli. Napatawa naman ako sa tanong niya.
"Syempre 'yung paa mong maliit" pagpapalusot ko naman sa kanya. Tumingin naman siya sa paa niya. Laking engot talaga ng kakambal kong ito.
"Sa baba na nga lang ako maghihintay sa'yo. Dalian mo na ah" paliwanag ko sa kanya saka bumaba na ako para doon na lang maghintay sa kanya sa sala.
Nakakailang hakbang pa lang ako pababa nang marinig ko agad ang boses nina Mommy at Daddy. Parang nag-aaway na naman sila.
"Please Mee, makinig ka naman sa akin"
"No, ayaw ko nang makinig sa'yo. Wala namang magbabago kung makikinig ako sa'yo"
"Yun na nga eh, wala nang magbabago pa. Kahit anong gawin mo ay wala na tayong magagawa pa"
"Talagang wala nang paraan dahil iyon ang pinaniniwalaan mo!" Nagpatuloy pa ang pagdidiskusyon nila.
Nagulat na lang ako nang bigla akong lampasan ni Axcel. Inunahan ba naman ako papalabas ng bahay. Hay, ang kapatid ko talagang ito, ayaw talagang magpahuli.
[Axcel's Point of View]
"Yun na nga eh, wala nang magbabago pa. Kahit anong gawin mo ay wala na tayong magagawa pa"
"Talagang wala nang paraan dahil iyon ang pinaniniwalaan mo!"
Hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa kanya. Simula noon ay nawalan na talaga siya ng pag-asa. Simula pa noon ay sinukuan na niya si Miracle.
Malakas kong isinara ang pinto sa backseat ng kotse. Nanginginig kasi ang kamay ko. Parang gusto kong makabasag ng mukha.
ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
"Errrhhhhh!!!"
"Hoy! Anong ginagawa mo?" Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Lexy sa passenger seat. Hindi ko siya nahalatang pumasok sa kotse.
Ngayon ko lang napagtanto na para akong tangang nakasabunot sa buhok ko. Inayos ko uli 'yung buhok ko at umupo na ng maayos.

BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...