Chapter 7- The Promise

124 1 0
                                    

✴Chapter 7✴

[Axcel's Point of View]

"Masaya ka na? You finally stood up to Daddy. Does that make you feel happy?" Nagalit ako sa tanong na iyon ni Lexy pero hindi ko rin naman matago ang katotohanan na may pinupunto siya.

"Hindi ako humadlang sa lahat ng gusto mong gawin, pero sa ngayon ay hindi kita masosoportahan sa ginawa mo. Sobra na Axcel, this is already too much for me to handle. I'm sorry pero this time, you're on your own" pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.

Ngayon ko lang nakita si Lexy na walang ganang makipag-usap sa akin. Sa tingin ko sumobra nga ako sa ginawa ko kanina. Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman ni Daddy.

For 14 years, I have always seen him as the bad guy, pero nagkamali ako. He also misses Miracle as much as we do. What have I done? Ako ang dahilan kung bakit humina ang loob ni Dad. Ngayon ko lang narealize na siya pala ang patuloy na sumusulong sa pamilya namin.

Napasabunot ako sa buhok ko. Masakit sa loob at nakakakulo ng dugo. Ngayon, na nakita ko na ang sitwasyon ni Daddy, parang bumaliktad ang mundo ko. Unti-unting nag-iba ang pananaw ko sa lahat ng bagay.

I have been a selfish son to him. Hindi ko man lang inintindi ang sitwasyon niya. All that I cared about is what I felt, ni hindi ko man lang nakita o naramdaman man lang kung ano ang pinagdadaanan niya.

❇⭐❇

Kinaumagahan ay pumunta ako sa lumang hospital na nasunog 14 years ago. Hindi na ito pinaayos pa at nanatiling abandunado simula noong masunog.

Dumating ako doon at nadatnan ang isang malaking hospital na maitim na ang mga pader. Tinubuan na rin ng matataas na damot ang paligid nito.

May nakasulat na private property hindi kalayuan sa gusali, pero hindi ko iyon inintindi at nagpatuloy pa rin sa pagpasok sa loob.

Dahan-dahan lang ako dahil baka kung ano ang maapakan ko dito, matataas pa naman ang mga damo. Nangingilabot man ay inisa-isa ko pa rin ang mga kwarto hanggang sa makarating ako sa nursery room na sinabi ni Daddy.

Pumasok ako doon at nakita na puno pa rin ito ng higaan na pambata at mayroon pang medyo sunog na mga tag ang ibang higaan. Hinanap ko ang higaan na may nakasulat na Miracle, pero wala akong nakita.

"Psst hoy bata! Anong ginagawa mo dito?" Nakarinig ako ng may tumawag sa akin kaya lumingon naman ako. Pero pagkatapos noon ay nanginig ang buong katawan ko.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Pilit ko mang ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Naglakad na papunta sa akin ang matandang tumawag sa akin.

"Hindi ka pwedeng manatili dito! Hindi ito lugar para sa isang tulad mo" saad niya habang hindi pa rin humihinto sa paglalakad niya papunta sa akin.

"Wag niyo po akong papatayin! Hindi ko po sinasadya na istorbohin ang pananahimik ninyo. Patawarin niyo po ako, sa pagsira sa nananahimik niyong buhay... Este patay" saad ko habang ipinapakita ko sa kanya ang rosary na dala ko.

Mariin akong pumikit dahil sa tingin ko ay ilang minuto pa, mawawalan na ako ng malay. Naramdaman kong may dumikit sa kamay ko kaya dumoble ang panginginig ko. Pero bakit ganito? Kumakabog?

Dumilat ako at nakita ang matanda na idinikit pala sa kamay kong nakalahad, sa kanyang dibdib. Naramdaman kong kumakabog ang puso nito kaya ibig sabihin ay buhay siya.

A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon