✴Epilogue✴
[Axcel's Point of View]
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Parang kanina lang ay nasa loob ako ng lumang bahay, at ngayon ay nakatingin ako sa mga pulis na naglalagay ng caution tape sa pinangyarihan ng aksidente.
"Axcel, okay ka lang ba? Wala bang nangyari sa'yo?" Bumalik ako sa tamang pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Dad na ngayon ay nag-aalala para akin. Nakita ko naman na kasama niya si Uncle.
Nang makita ko sila ay bigla kong naalala ang hawak kong papel. Ibinigay ko naman ito kay Uncle dahil alam kong isa si Uncle sa mga gusto ni Tito Faustinong makabasa ng liham niya.
"Ano 'to? Para saan 'to?" Tanong naman sa akin ni Uncle habang kwestyunableng inaabot mula sa akin ang papel.
"Sa huli ay tama pa rin po ang hinala niyo sa kanya, Uncle. Nakapaloob po sa letter ni Tito Faustino ang lahat ng pinagsisihan niya. Kasama na rin po dyan ang paghingi niya ng tawad sa mga ginawa niya" mahaba kong paliwanag.
Nakita ko naman si Uncle na napangiti sa kanyang nabasa. Looking at him tear up while reading that letter, made me feel that this friend of Uncle Tom was one of his true friends.
Naalala ko rin na ibigay sa kanya ang nakakabit na bug sa loob ng jacket ko. Nilagay ko ito para sana ay makakuha ako ng confession mula kay Tito Faustino. Pero dahil sa nangyari ngayon at sa ginawa ni Tito Faustinong letter, hindi ko alam kung tama pa ba na ginawa ko 'yun.
Pagkatapos kong makipag-usap kila Uncle at Dad ay lumapit naman ako kay Mathew na hanggang ngayon ay nakatitig kay Erick. Nalaman ni Mathew na si Erick ang kapatid niya sa ama, at hindi si Arco. Dahil si Arco at Niña ay magkapatid lang pala sa ina.
"Math I'm sorry sa nangyari" paliwanag ko sa kanya.
"It's okay, baka oras niya na rin namang mamaalam. Ang kinalulungkot ko lang ay kahit sa huli araw ni Dad, hindi niya man lang natawag na anak ang isang taong nanatili sa tabi niya. He's hoping that Dad would someday turn his head and call him son"
Kahit hindi niya sinabi ang pangalan ng taong 'yun, alam ko pa rin kung sino ang tinutukoy niya.
[3rd Person Point of View]
Matapos ang isang linggo ay bumalik na sa pasukan ang buong Stanphern University. At tulad ng dati ay pumasok sa paaralan ang Campus Aces ng magkakasama na parang wala lang na nangyari.
"Archie! Hoy! Wag ka ngang magpakababae sa oras na ito. Baka sabihin ng ibang estudyante may lahi talaga tayong bakla" pagsasaway ni Grieg sa kasabay nilang si Arco.
Muling nagpanggap si Arco nang bumalik siya kasama nina Grieg, dahil ayon sa kanya ay mas magiging madali para sa kanya na kalimutan ang mga nangyari kung babalik siya sa dati, at ginawa niya na rin itong daan para maitago ang kanyang posisyon bilang El Primer Caballero.
"My goodness Griegy, parang hindi ka pa nasanay sa akin. Don't mind me. I may act like this, but you know I'm straight. Mas magaling pa nga ako sa isa dyan sa inyo eh" paliwanag naman ni Arco habang pasulyap na tumitingin kay Axcel na pasimpleng nakasunod lang sa kanila.
"Oh Bro, saan ka pupunta?" Pagtatanong ni Raver nang makita ang kanyang pinsan na sa ibang daan tumutungo.
Nagpaliwanag naman ang binata na may iba pang gagawin kaya pinauna na ang kanyang grupo patungo sa kani-kanilang mga klase.
Nagtungo si Mathew sa isang binata na nag-iisa malapit sa mini park ng kanilang campus. Walang nang masyadong taong dumadaan dito dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase.
![](https://img.wattpad.com/cover/181302794-288-k496318.jpg)
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Novela Juvenil"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...