✴Chapter 31✴
[Axcel's Point of View]
Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit bigla na lang iaapoint ni Uncle si Mommy bilang temporary CEO. Kung simpleng business travel lang 'yun ay hindi niya naman kailangan pang gawin ito.
Unless... Hindi lang business ang pakay niya sa Japan. Something's a bit odd with Uncle. May nangyayari kaya na hindi namin nalalaman?
❄knock knock knock❄
Hindi ko pa man sinasabihang pumasok ay dire-diretso namang bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Lexy.
"Axcel, we need to talk" saad niya habang papalapit sa akin. Kinuha niya ang swivel chair ko mula sa study table at hinarap ito sa higaan kung naasan ako ngayon.
"What do you think is happening now?" Tanong niya sa akin, so ibig sabihin nito ay hindi lang ako ang nawiweirduhan sa lahat ng nangyayari.
"Hindi ko pa alam, siguro ang dapat nating tanungin ay si Kuya Tim. Alam niya na kaya ang lahat ng ito?" Sagot ko naman kay Lexy. Alam kong dapat naming malaman ang sitwasyon ngayon ni Kuya Tim.
"By the way, nakita mo na ba 'yung safe? You know we have to hurry, right? Kahit nakita na natin si Baby Miracle, wala pa rin tayong magtuturo sa taong gumawa ng pagkawala niya" paliwanag sa akin ni Lexy kaya dumiretso kaming dalawa sa opisina ni Dad.
Since wala naman kaming gagawin ngayon ay naisipan naming hanapin ang safe sa opisina ni Dad. Bago kami makarating doon, nakita muna namin 'yung katulong na lumabas mula sa opisina. Sa tingin ko katatapos niya pa lang maglinis dahil may hawak siyang mop at feather duster.
Hinintay muna namin siyang makaalis bago kami tuluyang lumapit sa pinto. Kinuha ko na 'yung susi saka pumasok na kami pagkabukas ko.
Nagsimula na kaming maghanap uli. Kinapa namin ang bawat sulok pero wala pa rin kaming makuha.
"Ano ba'to!! Ba't an'daming alikabok dito!! Aish! Ang dumi na tuloy ng kamay ko" pagrereklamo ni Lexy sa mga nakakapa niyang alikabok sa mga sulok ng upuan at mga mesa.
(⊙_☉)!
Bigla kaming nagkatinginan ni Lexy pagkatapos niya 'yung sabihin. Hindi kaya pareho kami ng iniisip?
[Lexy's Point of View]
Matagal kaming nagkatitigan ni Axcel. Hindi ko alam kung Twin Telepathy ito pero sa tingin ko ay iisa lang ang tumatakbo sa isip namin ngayon.
Mabilis kaming lumabas sa opisina at nakita namin ang mayor doma ng bahay.
"Oh, Sir Axcel, Miss Lexy, bakit humihingal kayo? May problema ba?" Tanong niya sa amin.
Pagkasabi niya noon ay biglang may sumagi sa isip ko. Bakit ngayon ko lang naalala ito?!
"Kakalinis ko pa lang po kasi sa opisina ni Sir, ma'am"
Ngayon ko lang naalala na hindi Ma'am ang tawag sa akin ng mga katulong namin dito sa bahay. Pero ma'am ang tawag sa akin ng katulong na 'yun.
"Manang, may nakap—"
"May nakapasok pong pusa Manang. Kinuha 'yung pagkain namin, pero kami na lang ang maghahanap sa kanya" pagpapalusot naman ni Axcel. Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi.
❇⭐❇
"Bakit hindi mo sinabi kay Manang ang tungkol doon?" Tanong ko kay Axcel nang bumalik na kami sa opisina ni Daddy.
BINABASA MO ANG
A Brother's Quest; My Brother Is My Lover Sub Novel
Teen Fiction"Miracle Seraphina Givarra... 'Yun ang gusto kong ipangalan sa anak ko" Milagrong ipinanganak pero sa kasamaang palad ay nawalay sa pamilya, at inakalang patay na. Si Axcel Jarred Givarra, kapatid ng nawalang sanggol at nangakong hahanapin at ibaba...